Tila tuyong dahon na lang si Einna na sumusunod sa daloy ng agos. Dumating ang judge na magkakasal sa kanila ni Mr. Tan, idinaos ang kasal, pumirma siya sa isang marriage contract, at ngayon ay papunta na sila sa pribadong airport para makaalis sila patungong Estados Unidos. Kasama pa rin nila ang doktor na siya ring naging witness nila sa nangyaring kasal kanina. At dahil bumabalik ang hilo niya ay hinayaan muna siyang matulog dahil mahaba daw ang biyahe. Tahimik lang siyang nakatingin sa maputing ulap sa himpapawid hanggang tuluyan siyang hilahin ng antok. Hindi na siya nagpakita ng anumang pagtutol kahit saan pa siya dalhin. Ang mahalaga na lang ngayon ay ligtas sila ng anak niya. Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa kanila pagbaba nila sa pribadong eroplano. Sumakay sila sa i

