"May driver na ho kayo ngayon?" takang tanong niya sa tiyahin. "At iba ho yata ang gamit nyong sasakyan?" "Sa kaibigan ko lang 'to. Nasa casa kasi ang kotse ko, marami ng sira. Ipinahiram niya na rin pati driver niya sa 'kin." "Magandang tanghali ho, ma'am. Ang ganda niyo ho pala talaga." Ngumiti lang siya sa driver na pumuri sa kanya. Parang wala siya sa mood ngayong araw na ang gusto lang niya ay humiga at matulog. Dala siguro ng puyat dahil nag-movie marathon siya kagabi. Kung hindi lang siya nanghihinayang sa pamasahe at sa oras ay hindi siya sasabay sa Tiya Ghing niya na dumalaw sa Inay niya ngayong araw. Pero sayang din kasi. Malaking tipid sa oras niya ang pagsabay sa tiyahin na may sasakyan at may driver pa ngayon. Pagdating nila sa Bataan ay nagulat siya sa dinatnan. Payat n

