Nakatingin si Einna sa peryodikong hawak kung saan naroon ang dalawang larawang kuha sa CCTV camera. Magkasama sila ni Renzo sa Albano Hotel sa Antipolo. Ang isa ay palabas sila sa elevator kung saan halos nakayakap pa ang kamay nito sa katawan niya, ang isa ay sa hallway kung saan papasok sila sa penthouse. Hindi niya alam kung paanong naungkat ang mga larawang iyon. O kung ano ang motibo para ibalik ang nakaraan nila ni Renzo na isang malaking lihim. Kung noong nakuhanan siyang lumabas sa condo ni Rayver ay pinagpiyestahan na siya ng mga reporter, higit lalo ngayon na halos hindi na siya makalabas sa sasakyan sa dami ng bodyguards na kailangan siyang bantayan. Habang nakatitig siya sa mga larawan ay hindi niya maiwasang makaramdam ng inis sa sarili. Ito ang mga panahong lokong-loko pa

