"Seryoso ka ba na sa Albano Hotel ka mag-a-apply? Napakalaking kompanya no'n para mapansin ka. For sure, ang kukunin nilang empleyado 'yung galing sa mga international universities," ani ni Jinky nang matapos siyang gumawa ng resume. Ready na siyang maghanap ng trabaho. Excited na siya ulit makaharap ang crush niya.
Isang linggo na mula nang ihatid siya ni Renzo sa tapat ng bahay ng Tiya Ghng niya. Kahit paano, nakita nito na hindi naman sila naghihikahos sa buhay. Ibig sabihin ay hindi ganoon kalayo ang agwat ng estado nila. Yun nga lang, kailangan niyang itago na ang nanay niya ay naglalabada at nagkakatulong lang sa probinsya. Hindi bale. Kapag nakapagtapos naman siya ng pag-aaral ay iaahon niyq ang buhay nilang mag-iina sa kahirapan.
"Susubukan ko lang. Kaya ko namang makipagsabayan ng englisan kung 'yun lang ang requirement nila. Maganda rin naman ako. Nakita mo nga, napansin ako ni Drake no'ng nasa Zenclub kami, 'di ba?"
"Bar 'yun, girl. Natural, lahat ng makita nilang maganda, lalapitan nila at lalandiin. At wala naman kasing duda na maganda ka."
"E di walang duda na matatanggap ako," buong kompyansa niyang sagot. "I am beautiful, I am smart, and I am hardworking. Ano pa ba ang hahanapin nila sa 'kin?"
"Uhm... E di sige, goodluck, girl. Sa katabing establishment na lang ako mag-a-apply. Para sabay tayong uuwi lalo kapag ginabi na tayo."
"Oo nga. Nakakatakot pa namang umuwi kapag gabi na."
Muling sumagi sa isip niya ang muntikan niyang pagka-kidnap noong nanggaling siya sa Zenclub. Anong oras naman na kasi noong umuwi s'ya dahil hinintay pa niya si Renzo Albano. Muntikan na nga din siyang sumuko no'n. Ni hindi siya nito pinapansin at ipinagtatabuyan pa dahil may ka-date yata itong iba.
Ewan naman niya kung bakit ayaw niyang sumuko. Ngayon ay gusto pa niyang makipagsapalaran ulit na mapalapit dito. Ito din kasi ang nakikita niyang paraan para pumayag ang Tiya Ghing niya na huwag siyang makipag-date kay Mr. Tan. Kailangang kasingyaman ng matanda ang magiging boyfriend niya,
Pagdating niya sa bahay ay inihanda niya kaagad ang office attire na isusiot niya bukas. Sa HR Department naman ang tuloy niya kasama ng ibang aplikante, pero baka may pag-asang makita niya kahit si Drake. O kahit sana si Renzo, basta huwag lang itong magsuplado.
Kinabukasan ay maaga siyang gumising para maghanda ng almusal. Maaga rin siyang aalis dahil kailangan niyang makarating sa Albano Tower ng alas otso. Baka maunahan siya ng slot kapag maraming aplikante na katulad niyang on-the -job-trainee.
"Executive na executive ang dating ah. Saan ang lakad mo?"
"Maghahanap na ho ako ng trabaho, Tiyang."
"Oo nga pala, kailangan mo nang mag-OJT ano? Nakausap ko na si Mr. Tan noong isang linggo. Kailangan niya ng sekretarya---"
"Sa Albano Hotel ho ako may-a-apply, Tiyang," agap niya sa tiyahin. "Malayo ho ang opisina ng Metro Pacific."
Pag-aari ng mga Alonte-Tan ang isa sa mga airline companies sa Pilipinas. Hindi niya doon gustong magtrabaho dahil excited na siyang mag-apply sa Albano Hotel.
"Aba'y ano naman? At least mapapalapit ka na kay Theo. Bihirang magkagusto ang matandang 'yun sa mga babae."
"Wala naman ho siyang sinabing gusto niya 'ko, tiyang," katwiran pa niya. "Mahihirapan naman ho ako sa biyahe kapag sa Metro Pacific ako papasok. Kailangan ko din hong mag-report sa school paminsan-minsan."
"E di mag-taxi ka. Mag-invest ka ng effort nang makalamang ka sa ibang babae d'yan. Baka maunahan ka pa ng iba imbes na nakalamang ka na."
Hindi niya gustong sa matandang 'yun mag-invest ng effort kung hindi kay Renzo. Ewan ba kasi niya sa tiyahin kung bakit kailangang matandang mayaman ang puntirya nito gayung kay dami namang bata pa na mayaman din.
"Tatawagan ko ho kung may hiring sila. Baka naman ho nakalimutan na ako ni Mr. Tan, isang linggong mahigit na rin ho ang nakakalipas."
"Tumawag nga pala ang Inay mo kagabi. Nanghihiram ng bente mil para daw sa pagpapa-checkup niya."
"Ho? Bakit? Ano ho ang nangyari kay Inay?"
"Sumasakit daw ang balakang. Hindi daw nakatayo kahapon ng umaga kaya gusto niyang magpa-checkup. Padadalhan ko na lang ng trenta mil nang may allowance sila ng kapatid mo. Nanalo naman ako sa majong kagabi."
Wala sa sariling napatango na lang siya. Nakatitig siya sa mukha ng tiyahin niyang nakapustura kaya mukhang mayaman. Napakalayo ng itsura ng dalawa kapag pinaglapit. Ang Inay niya kasi ni hindi na marunong mag-ayos.
"Salamat ho, Tiyang. Kapag nakahanap ho ako ng trabaho ililipat ko na lang sila dito sa Maynila."
"Matagal ko nang pinapaluwas ang Inay mo. Ewan ko ba do'n kung ba't ayaw iwanan ang barong-barong niyo. Kapag nakatapos ng high school ang kapatid mo, sino pa ang makakasama niya?"
"Nahihiya lang 'yun sa inyo, Tiyang. Kakarguhin niyo kasi kaming lahat kapag dito na kami tumira."
"Kaya nga ang sinasabi ko sa 'yo, gamitin mo ang utak mo sa mga lalaking nagkakagusto sa.'yo. Huwag kang nagpapadala sa bugso ng damdamin. Hindi ka bubuhayin ng g'wapo kahit pa mayaman. Magloloko lang 'yan kapag nakahanap ulit ng mas maganda sa 'yo."
Hindi niya alam kung ano ang kinalaman ng pag-aasawa sa pagluwas ng Inay at kapatid niya. Pero hindi niya puwedeng kontrahin ang tiyahin ngayon baka bigla siyang mapalayas.
"Aalis na ho ako, tiyang."
"Sasabihin ko kay Theo pupuntahan mo ang opisina niya, ano?"
"O-oho..." mahina niyang sagot. Puwede naman siyang magpasa ng resume doon para lang masabi na nagpunta siya. Pero sa Albano Hotel niya pagbubutihin ang interview. At least, hindi niya binigo ang tiyahin niya.
Binigyan siya nito ng pan-taxi para hindi daw siya magmukhang haggard pagdating sa Metro Pacific. Pero dahil mas malapit ang Albano Hotel ay doon muna siya tumuloy.
Hndi niya alam kung saan siya ibunaba ng taxi dahil umiwas ito sa traffic. Kumatok lang siya sa gate na binabaan sa kanya. Ayaw pa siyang papasukin ng guard dahil hindi daw iyon ang entrance.
"Umikot kayo sa kabilang street," utos nito. Nang tanawin niya ay napakalayo pa.
"Bakit hindi puwede dito? Manong naman, ang init-init oh. Nag-taxi pa naman ako para hindj ako magmukhang lantang bulaklak sa interview."
"Hindi ho dito ang entrance ng mga aplikante. Kung ayaw mong maglakad e di mag-taxi ka ulit."
"Manong naman--- ay kabayo!"
Nagulat siyang talaga nang may bumusinang sasakyan sa likod niya. Kung sinuswerte nga naman.
"Renzo?"
"Kilala niyo ho si Sir Renz?"
"Kaibigan ko siya," kaagad niyang sagot sa guard kasabay ng matamis na ngiti. Kapag hindi pa siya pinapasok sa gate ay sasakay siyang talaga sa kotse ni Renzo.
"Pero hindi ho siya ang sakay ng kotse kung hindi ang Papa niya. Nasa loib na ho si Sir Renz kanina pa."
Iyon kasi ang gamit na sasakyan ni Renzo noong nagkita sila sa Zenclub. Ibinaba naman ng lalaking sakay ang salamin ng 2-seater sports car saka kinausap ang security guard.
"What's going on here, Third?" He spoke like Renzo. May pagka-awtorisado kapag nagsalita pero masarap sa tainga ang baritonong boses. Kinilig na naman siya, pero hindi dahil sa gwapong Papa ni Renzo kung hindi kay Renzo mismo. Bumalik sa balintataw niya ang pag-uusap nila sa sasakyan noong hinatid siya.
Hay... Ang g'wapo talaga...
"Nagpupumilit punasok, sir, eh. Kanina ko pa sinabi na hindi dito ang entrance ng mga aplikante."
"Masakit na ho kasi ang paa ko sa mataas na takong, manong," katwiran niya na sadyang ipinarinig sa Papa ni Renzo. "Kahit ho i-escort niyo ko papunta doon, hindi naman ako gagala-gala sa loob ng compound. At saka, kilala ho ako ni Renzo."
"How did you know my son?"
"N-nakilala ko ho sa... uhm... Ipinakilala ho ni Drake." Ayaw niyang isipin nito na isa siyang babae palaging nasa club. Kailangan niyang gumanda ang imahe sa magiging biyenan niya.
"Okay. Hop in," wika naman nito. Hindi na siya nagdalawang-isip na sumakay.
Halos malula siya sa dami ng magagandang sasakyan naka-park sa bahaging iyon ng building. Tahimik lang ang lalaki kaya ni hindi niya ito malingon para suriin. Nang huminto ang kotsw ay kaagad na may lalaking naka-uniporme ang lumapit. Bumaba siya. Kinuha ng lalaki ang susi ng kotse sa Papa ni Renzo.
"Thank you for your kindness, s-sir..." Lakas-loib siyang nagsalita. Nakakailang din pala dahil seryoso itong parang nasa malalim na pag-iisip. "S-saan ho ang HR ninyo dito? P'wede ho bang magpa-assist doon sa security?"
"Sumama ka na lang sa 'kin. Sa HR din naman ang tuloy ko."
Mabilis ang hakbang niya dahil mabilis din ang hakbang nito. Nakasunod sa kanila ang lalaki kanina dala ang gamit ng Papa ni Renzo na kinuha sa likod ng kotse. Hanggang sa elevator lang ito dahil kinuha na nv Papa ni Renzo ang laptop bag. Nang makasakay sila sa elevator ay saka lang nagsalita ang lalaki.
"What position are you applying for?"
"O-on-the-job-training, s-sir... Whatever position suits my knowledge because I have no expertise yet. But I have good communication skills and I'm a fast learner."
"Good. Let me see your resume and I'll see what I can do."
Kaagad naman niyang binuklat ang hawak na folder. Tamng-tama naman na bumukas ang elevator at lumakad na palabas ang Papa ni Renzo. Hinabol niya ang lalaki na sa pagmamadali ay sumabit ang takong niya sa pagitan ng elevator at sahig.
Napakapit siya sa braso ng Papa ni Renzo para hindi siya bumagsak sa sahig. Kaagad din siyang nilingon nito at tinulungang itayo.
"Are you okay?"
"Y-yes, s-sir. I-I'm sorry."
"Bakit kasama mo siya, Papa?"
Kung kanina ay sinus'werte siya, parang minalas na ngayon dahil salubong ang kilay ni Renzo habang papalit-palit ang tingin sa kanila ng Papa nito.