"Oh. Hi, son. Good you're here. She said she knows you and Drake. Kilala mo ba siya?"
Marahan siyang tumango dala pa rin ang salubong na kilay. Iba ang entrance ng mga empleyado, pati na ang mga aplikante, kaya nagtataka siya kung paano nito kasama ang Papa niya ngayon. Ang galing talaga nitong gumawa ng diskarte para mapalapit sa mayayaman. At ang Papa niya pa ang nilapitan nito. Does she know his father was faithful to his mother?
Hindi kailanman tumingin ang Papa Zek niya sa iba. Sana ay pumipili man lang ito ng pupuntiryahin dahil mapapahiya lang ito. Kung sa lahi ng Albano nito balak maghanap ng biktima ay malabo. Lahat ng tiyuhin at mga pinsan niya ay tapat sa mga asawa.
"I just met her last week in Zenclub, Dad." Gusto niyang ipahiwatig na hindi naman niya talaga lubusang kilala ang babae.
"I see... Get her resume so I can see her qualification. Ihatid mo muna siya sa lobby bago ka sumunod sa opisina ko. Let's talk about your new position in the company."
Wala siyang nagawa kung hindi ang sundin ang Daddy niya. Meeting nila ngayong Lunes dahil gusto na siyang bigyan ng mas mataas na posisyon sa kompanya kasabay ng maselang pagbubuntis ng Ate Zanya niya. Brandon and Ethan couldn't handle all. Si Marga ay may sarili ding Architectural Firm na hindi rin basta maiwan.
"Seryoso ka pala na gusto mong magtrabaho dito? We don't usually hire undergraduate or on-the-job-trainee," pagsisinungaling niya. Noon pa naman ay tumutulong na sila sa mga college students na magkaroon ng trabaho kahit nag-aaral pa lang. Gusto lang niyang mawalan ng interes si Einna at maghanap na lang ng ibang mapapasukan.
"Pero ang sabi ng Daddy mo puwede naman daw."
"Nahiya lang 'yung tumanggi. Wala ka bang ibang maa-apply-an?"
"Meron naman. Sa Metro Pacific ako pinapapunta ng Tiya Ghing ko kasi kakilala niya si Mr. Tan--"
"Mr. Tan? You were supposed to be at Mr. Tan's office but you came here instead? Bakit hindi na lang doon kung mabibigyan ka naman nila kaagad ng trabaho?" Huminto siya sa paglakad saka ibinalik ang resume nito. Naunahan na siya kaagad ng inis nang malaman na balak din nitong mag-apply sa kalabang kompanya. Lahat ba ng mayayaman gusto nitong puntiryahin?
"Mas gusto ko kasi dito kaya mas nauna ko itong pinuntahan."
"We don't have vacancies for an on-the-job trainee."
"Pero ang sabi ng Daddy mo---"
"Kaya ka nga niya ibinilin sa 'kin kasi hindi niya alam kung pa'no ka tatanggihan. Go somewhere else, Miss Gulles. I'm sorry but we only hire applicants with a degree and most preferably with experience and expertise."
"S-saan ang... d-daan palabas?" Bigla din siyang nakonsensya nang yumuko ito at kunyaring isinuksok ang resume na ibinalik niya sa hawak na plastic folder. Mas lalo siyang naiinis. Gini-guilt trip siya ng babaeng ito na gusto pa siyang idaan sa pag-iyak.
"Go straight until you find the elevator. Press the G button to the lobby. Our staff will guide you to the exit."
"O-okay..."
Tumalikod na siya kaagad para hindi na madagdagan ang guilt sa dibdib niya. He wasn't rude in his whole life especially with women. Ewan ba niya ngayon kung bakit kaunting kibot ay madali na siyang mainis.
Nang mawala sa paningin niya si Einna ay tinawagan niya ang isa sa empleyado sa lobby. Ibinilin niyang bigyan ng complimentary drink ang dalaga bago man lang ito umalis sa building ng Albano Corp. Iyon man lang ay magawa niya kapalit ng pagtataboy niya dito.
"Where's your applicant?" tanong ng Daddy niya nang magtuloy siya sa opisina nito.
"I sent her away. Kay Theo Tan siya dapat mag-a-apply pero dumaan muna dito. I told her to just go to Metro Pacific instead of wasting her time here."
"Kay Theo? She knows Theo Tan?"
"Uh-um." Pilit niyang itinago sa ama ang pagkadismaya. "I don't know if she knows him personally, but her aunt does."
"Pero dito niya gustong mag-apply kahit sinabi ng tiyahin niya na sa Metro Pacific magtrabaho?"
"Well... we couldn't tell. What if she is Theo Tan's another plan? Masyadong tuso ang lalaking 'yun na kailangan nating maging maingat sa bawat kilos natin."
"That's one of the reasons why I asked you to be one of the company's officers, Renzo. I understand your desire to be a lawyer, but your brother also needs you. Kung hindi mo tatanggapin ang pagiging Chief Operations Officer, mapipilitan akong bumalik para lang makapagbakasyon ang Ate Zanya mo."
"Hindi niyo na kailangang bumalik sa pagtatrabaho, Dad."
"Pero masyado nang malaki ang kompanya para saluhin lahat ng kapatid at mga pinsan mo ang trabaho. Sa inyong dalawa ni Drake, ikaw ang nakikita kong mas effective bilang COO dahil mas gusto ni Drake ang magtrabaho sa Albano Hotel."
"Really, Dad?" Isang mahinang tawa ang pinakawalan niya. "O kasi alam niyo na gigil na gigil ako sa mga Alonte-Tan na 'yan na pabagsakin? C'mon... Just spill it."
"I want you to work harder for your own achievement, not because you want to prove something to anyone, Renzo. Siguro nga kaya mong pabagsakin ang mga taong nanloko sa 'yo at sinubukang tibagin ang matayog nating pamilya. But don't make it as your driving force, or your motivation. Let's always keep in mind that we are here to serve the best service to people trusting our airline. Walang mabuting maidudulot ang maduming kompetisyon sa industriya. At the end of the day, what God sees and what God blesses are the people who do good to other people."
"Amen to that." Pagdating sa pangaral ay busog na busog silang magkakapatid. "Kaya ang sarap na maging kamukha mo eh, nadadamay ako sa lahat ng papuri kapag nakakasalubong ko ang mga kaibigan niyo ni Mommy."
Isang matamis na ngiti rin ang ibinalik ng Daddy niya.
"You are a good man, son. Kaya ka nga naloko ng Hazel na 'yun sa loob ng isang taon. But move forward without carrying that bad past and define what your future will be. Consider it just one of your tests in life. Maliit na bagay lang 'yun kompara sa mga pinagdaanan ng mga kapatid mo. And be glad that you did not push marrying her."
"Hindi talaga. Sige na nga, I will accept that position just to make you stay at home with Mommy."
"Thank you, son. I know you can do it. You are my mini version, aren't you?" Isang tapik sa balikat ang ibinigay ng ama na sandali siyang naging emosyonal. Naroon ang pagmamalaki sa ipinagkatiwalang trabaho sa kanya kahit pa naroon din ang takot.
"I might not be as good as you, Dad."
"You don't have to be. Make your own mistakes and learn from them until you create a better version of you. Now, let's get you the best secretary."
Umupo siya sa sofa habang kausap ng Daddy niya ang HR Manager. Ilang sandali pa ay inakyat na ng tauhan ang resume ng mga aplikanteng pasado. May bahagi sa isip niya ang kuryusidad kung nasaan na ngayon si Einna Gulles; kung nakasakay na ba ito at kung hindi man lang ba ito nagalit sa lantaran niyang pagtanggi na dito ito magtrabaho.
"Uhmm... I think I like this one," narinig niyang wika ng Daddy niya sa HR Manager.
"Pero hindi pa ho siya nakatapos. Wala ho siyang background at lalong wala siyang experience."
"I think she can be trained fast. Subukan natin. Delia will be working with her anyway. She can guide her while Ethan guides Renzo with his new position. Kapag natuto siya ay pwede na siyang i-absorb sa kompanya. Send her in my office so I can do the first and final interview."
"Okay, Sir Zek, paaakyatin ko ho sa opisina niyo."
"Thank you, Marcy. Ipadala mo rin ang mga resume ng mga nag-a-apply na piloto pero sa opisina na ni Ethan."
"May meeting ba kayo ngayon nila Uncle, Dad?"
"Yeah, in an hour. Parating pa lang ang Uncle Zan mo galing sa Batangas. Meanwhile, go to your brother's office while I interview your soon-to-be executive assistant."
Hindi niya na pinagkaabalahan pang usisain kung sino ang aplikanteng napili nito. Hindi rin kasi siya mapakali kung nasaan na si Einna ngayon. Ayaw mawala sa balintataw niya ang malungkot nitong mga mata nang sabihin niyang sa Metro Pacific na lang ito magpunta.
Damn. Those innocent eyes are haunting him. Alam yata ng babaeng 'yun na nabibighani siya kaya ito lapit nang lapit.
"Akala ko'y hindi mo pagbibigyan si Dad," wika ng kapatid nang puntahan niya ang opisina ni Ethan. Nagpunta siya sandali sa lobby sa pagbabakasakaling makikita si Einna doon kahit pa itinaboy niya. Pero wala ang bakas nito. Iwinaksi na lang niya sa dibdib ang panghihinayang.
"Na para namang patatahimikin niyo akong lahat kapag hindi pa 'ko pumayag na maging COO," nakatawa naman niyang sabi.
"Let's start your job then. Nakita mo na ba ang bago mong opisina?"
"May bago na akong opisina?" Dati ay nakiki-opisina lang siya sa kapatid na si Zanya.
"Of course. Ready na ang lahat bukod na lang sa 'yo. Kailan ka magsisimula?"
"Wala pa 'kong sekretarya."
"Si Dad na ang bahala do'n. He will give you the most efficient and most beautiful secretary." Inakbayan siya nito bago kinuha ang telepono sa bulsa nang tumunog. "Heto na, tumatawag na."
"Hindi pa naman ako ngayon magsisimula, hindi ba?"
"Why not? May gagawin ka ba maghapon? Magkakaroon ng meeting sina Uncle Zane, Dad at Uncle Zan. Pagkatapos no'n at tayo naman ang sasalang sa conference room. Mabuti na 'yung kasama ka na namin kaagad sa gisahan." Tumawa ito na may halong pagbibiro pero totoo. Kapag nasa board room sila ay nawawala sandali ang pagiging magkamag-anak nila.
"Sige, gisahin niyo kaagad nang maipasa ko na ang resignation letter ko," ganti niyang biro. Hindi naman inalis ng kapatid ang pagkakaakbay sa kanya na para siyang tatakbo anumang oras.