"My son told me he sent you away already. Did he call you to come back?" tanong ni Ezekeil Albano sa kanya. Kaswal lang ang tanong nito pero pawis na pawis na ang kamay ni Einna sa sobrang kaba. Kanina naman ay hindi siya nakaramdam ng kahit na ano habang kasabay ito sa elevator. Pero iba pala ang pakiramdam kapag nakasalang na siya sa interview.
Paalis na nga talaga siya kanina pero nagbago ang isip niya nang tawagan siya ng tiyahin. Hinihintay na raw siya ni Theo Tan, pero hindi sa opisina nito siya pinatutuloy kung hindi sa isang hotel. Kaagad siyang tumanggi at sinabing nakasalang na siya para sa isang interview dito sa Albano Hotel. Ngayon ay tawag nang tawag ang Tiya Ghing niya dahil ayaw nitong paghintayin ang CEO ng Metro Pacific.
Mabuti na lang kasama siya sa shortlist ng mga aplikanteng qualified maging sekretarya dito sa Albano Corp. Siya pa ang unang tinawag para isalang naman sa interview. Nagulat pa siya nang samahan siya ng staff paakyat ulit sa twentieth floor. Tiyak na maniningkit na naman ang mga mata ng crush niyang suplado kapag nakitang hindi nito sinunod ang utos niya.
"Miss Gulles?"
"Ho? Uhm... I really want to work here, sir... As a college student, I believe Albano Corp. will teach me a lot about leadership, teamwork, and communication skills."
"So, you want to learn something. But what about your contribution to the company?"
"I am an independent woman and can easily adapt to my environment. That is why I want to surround myself with good and hardworking people. You can expect a motivated, honest, and with strong work ethic employee."
"How about loyalty? Besides being a hardworking employee, what we need in this company are faithful employees, Miss Gulles. I've heard from my son that you are also applying at Metro Pacific."
Itinaas niya ang noo para ipakita ang katapatan niya. Sandali lang siyang nakababa naikwento na pala ng Renzo na 'yun ang akusasyon nito sa kanya.
"It is true, sir, I got a referral to apply in Metro Pacific. But it is my dream job to work here. Sinabi na rin ho siguro ng anak niyo na tinanggihan niya na ang aplikasyon ko dito. I was at the lobby when I realized why would I stop chasing my dream just because your son told me so?"
"Hmmm... Perseverance... And what position in the company would you think you would be happy with?"
"Anything that has nothing to do with your son, sir." Nakita niya ang pagkaaliw sa mga mata ni Ezekeil Albano, dahilan para mawala nang tuluyan ang kaba niya. "Sana, kung matanggap man ako dito, yung matapos ko ang on-the-job training ko. I want to prove to him that hiring me is not a waste of time."
"Pero kaya kami nagbukas ng job hiring ngayon ay dahil kailangan ko ng sekretarya para sa bunso kong anak. Renzo will be the Chief Operations Officer and I am looking for the best executive assistant he could work with."
Hindi siya nakasagot kaagad. Hindi niya alam na para kay Renzo ang mga nakapilang aplikante sa ibaba. Magugulat itong tiyak kapag nakitanh siya pa ang nauna sa pila para ma-interview. Hindi na naman niya maipipinta ang salubong nitong mga kilay.
"Baka naman ho may iba pa? Kahit ho taga-encode lang ng kung ano-anong dokumento. Patatalsikin lang ho ako ni Renzo kapag nakita niyang ako ang na-interview nyo."
"I will give you a try, Miss Gulles---"
"Ho?"
"Are you surprised that I will hire you to be my son's assistant?"
"Y-yes... I mean, no, sir... And I will prove to you that you that I can do the job responsibly."
"Let's see. You will be working with supervision for one week only. Hindi ka puwedeng alisin ng anak ko sa trabaho dahil ako ang nag-hire sa 'yo. Although after that one week, he will be the one to decide whether you stay in this company or not. Kailangang makuha mo ang tiwala at loob ng anak ko."
"One week?" Parang malabo yata 'yun. Katatapos pa lang ng training niya mapapatalsik na siya kaagad?
Hindi niya alam kung bakit ang init ng dugo sa kanya ni Renzo. Akala niya'y suplado lang ito sa mga babae. Pero nakangiti naman ito sa mga empleyadong nakakasalubong kanina.
"Ibig ho bang sabihin ay tanggap na ako bilang empleyado?"
"Only if you promise you can be faithful to Albano Corporation. Metro Pacific is one of our persistent, if not the biggest, competitor when it comes to airline companies."
"I promise to serve Albano Corporation only, Mr. Albano. Hindi ko ho sasayangin ang tiwalang ipagkakaloob niyo sa 'kin."
Marahan lang itong tumango bago kinuha ang telepono para tawagan ang kung sino. Siya naman ay iginala ang mata sa loob ng opisina nito.
Hindi niya maipaliwanag ang saya na nararamdaman niya ngayon dahil sa Albano Corp siya magtatrabaho. Bukod sa makikita niya ang crush niya araw-araw, pangarap talaga niya ang magtrabaho dito. Kailangan niyang magpakabait kay Renzo dahil ito pa pala ang magiging boss niya. Hindi siya pwedeng pumatol sa kasungitan nito.
"Yes, come to my office so I can introduce her to your brother. Bukas na siya magsisimula kaya kailangan mo ring ihanda ang sekretarya mo dahil siya ang magtuturo dito."
Parang nakini-kinita niya na ang magiging reaksyon ni Renzo kapag nakita siyang nasa opisina ng ama nito. Pero hindi siya magpapatinag. Kailangan niyang patunayan sa Daddy nito na hindi ito nagkamali sa pagpili sa kanya.
At hindi nga siya nagkamali. Kulang na lang ay magdugtong ang mga kilay nitong hindi niya kayang ipinta. Isang matamis na ngiti lang ang pinakawalan niya kasabay ng pakikipagkilala sa isa pa nitong kapatid na si Ethan.
Three gorgeous men in front of her with different s*x appeal. Hindi niya matukoy kung sino ang mas gwapo at mas malakas ang dating sa babae. Ezekeil, though his hair have some grays, was undeniably handsome regardless of age. Ethan, on the other hand, was more mascular and well-built. But he carried a business-like mood. At syempre, si Renzo na kahit naka-casual outfit lang ay pinaka-g'wapo sa paningin niya.
At mas kamukha nito ang ama kaysa kay Ethan. Para itong younger version ni Ezekiel. Ang sarap tuloy mangarap na isang araw ay magkakagusto ito sa kanya, lalo na ngayong araw-araw na silang magkakasama.
"She will be your executive assistant from now on, Renzo," wika ni Ezekeil Albano sa anak.
"Pero, Dad... She will only work as a requirement in school. Ano 'yun? Pagkatapos ng isang buwan, iiwan niya ang trabaho dahil tapos na ang kontrata niya sa 'tin?"
"She will be absorbed by the company if she did well, Renzo. You know that one of our advocacies is to train young people become team leaders."
"Pero hindi sana sa departamento ko, Dad. Mangangapa pa nga 'ko sa trabaho ko, tapos baguhan din ang ibibigay niyo sa 'kin?"
"Do you prefer you and Ethan switch assistants?"
Sandali naman itong nag-isip. Si Ethan na ang sumagot na parang napilitan naman na sumang-ayon sa ama.
"It's fine with me, Dad. Sige, sa akin na lang si Einna para hindi na mahirapan si Renzo."
"No need, kuya. Fine... Einna and I will work together," ani Renzo na walang emosyong tumingin sa kanya. Hindi na siya ngumiti dahil hindi na siya natutuwa sa pagiging masungit nito.
Bukas pa siya magsisimula kaya umuwi din siya kaagad sa bahay ng Tiya Ghing niya. Puro sermon tuloy ang inabot niya dahil hindi niya sinipot si Theo Tan.
"Napakatigas talaga ng ulo mo, Einna. Para kang nanay mo na agaw makinig sa 'kin. Wala kang mapapala d'yan sa Albano Corp na 'yan dahil lahat ng may edad na ay mga loyal sa asawa!"
"Hindi naman ho kasi pag-aasawa ang hanap ko kung hindi ang pag-a-apply."
"Pero kung kay Theo ka nag-apply, paniguradong hihiga ka na sa pera. Kahit hindi mo na tapusin ang kolehiyo dahil magbubuhay reyna ka na! Hay naku, kayong mga kabataan." Pailing-iling na itong iniwanan siya sa gitna ng sala.
Napangiti naman siya nang maiwang mag-isa. Kahit pa sermonan siya ng Tiya Ghing niya araw-araw, basta si Renzo naman ang makakasama niya. Siguro naman ngingiti rin ito sa kanya bago matapos ang isang linggo.