"Ang ganda pala ng magiging sekretarya mo eh. How come you were rude?" Iniwasan ni Renzo ang nakatawang mga mata ng kapatid na si Ethan. Hindi pala nakatawa -- palagay niya'y pinagkakatuwaan siya. "I wasn't rude. Makulit lang talaga ang babaeng 'yun. Sinabi ko na sa kanya na hindi tayo tumatanggap ng on-the-job trainee dito." "That's not true. Ilang working students na rin ang tinanggap natin para makatulong sa pag-aaral ng mga batang nagpupursige na makatapos ng pag-aaral. Saan mo nakilala si Miss Gulles?" "At Zenclub." "At Zenclub? How come she knows Dad?" Isang sarkastikong ngiti ang lumabas sa mga labi niya. Muling rumehistro ang paghawak ni Einna sa braso ng Daddy niya paglabas sa elevator. Hindi niya alam kung paanong itinaboy niya ang babae pero nauwi pa ito sa opisina ng ama.

