Chapter 11

1445 Words

Nagsimula si Einna sa trabaho nang hindi lumalapit si Renzo sa kanya. Mabait naman ang sekretaryang nakatoka na i-train siya sa pagsagot sa telepono at paggawa ng reports. Mabilis lang niyang natutunan ang mga 'yun. Hindi sa pagmamalaki, candidate siya bilang c*m Laude. Mataas talaga ang ambisyon niyang makapagtapos ng pag-aaral at tumaas ang tingin sa kanya ng mga nakakakilala sa kanila. Kung ang Tiya Ghing niya ay gustong kumapit sa mayayaman para paangatin ang dignidad, siya ay sa ibang paraan niya gustong makamit iyon. Masarap naman kasi talaga sa pakiramdam na mataas ang tingin ng mga tao sa 'yo. "Breaktime na Einna, hindi ka pa ba kakain?" tanong ni Delia nang sumapit ang alas dose ng tanghali. Hindi na talaga bumalik si Renzo sa opisina mula nang umalis ito ng alas nueve.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD