Maagang lumapag ang private plane ni Theo sa helipad ng Metro Pacific sakay sina Ein̈na, ang anak niya, at ang yaya ng anak na si Mercy. Walang nakakaalam na ngayon ang uwi nila sa Pilipinas. Hangga't maaari ay ayaw niyang gumawa ng ingay na makakaagaw sa atensyon ng media. Kasisikat pa lang ng araw pero mainit na sa balat. Sa backdoor sila dadaan patungo sa opisina ni Theo. Nilinga niya ang mga naglalakihang billboards sa paligid. Tila naman siya lalong iniinis dahil puro sa Albano ang billboards na iyon. Isa ay sa modelong si Elize Albano, ang isang larawan naman ay si Shanaya kasama ng anak nito na nasa beach, at ang isa pa sa di kalayuan ay ang advertisement ng Sehada Airlines na siya ngayong pinamamahalaan ni Renzo. She wished she could tear down those billboards. Kung sino

