*Bell Ring*
= Thallia =
Pagkaupong -kaupo ko palang eh, napa wew! Na lang ako. Grabe nakakapagod talagang pumunta sa classroom. Nasa pinaka top floor kasi kami which is 5th floor.
"Hi Thallia! Musta?" Napalingun ako sa umupo sa tabi ko
"Oh, ikaw pala yan Chloe, ayos naman, napagod lang sa pag-akyat" sagot ko sa kanya.
Si Chloe ay isa sa mga classmate ko, at isa na rin siguro sa mga "Friend" ko kung meron man.
"Mmp. mukha nga." Natatawang sagot nya "Nga pala yung notes mo salamat ah!" sabay abot ng mga notes ko na pinahiram ko sakanya .
Ngumiti na lang ako sa kanya at nag welcome.
Nang pumasok na ang teacher eh bumalik na rin sila sa kanila kanilang upuan. At nga pala wala akong seatmate kasi bukod sa odd number ang total naming lahat eh, nasa pinakalikod pa ako.
"Okay class, magro-roll call lang ako at may i-aanounce ako." Sabi ni Mrs. Gomez
Parang naging excited naman ang mga kaklase ko dahil dun sa i-aanounce ni Mam. Pinatahimik nya kami saglit kaya nagsimula na syang mag roll call.
"Aquiron, Randy?" Simula ni Ma'am
Nagpresent naman si Aquiron at bumalik ulit sya sa pakikipagdaldalan.
"Arloe, Joey?" Sumagot ito at tulad ng ginawa ni Aquironbumalik lang din ito sa pakikipagdaldalan.
"Bator, Raca Jae?" Si Raca ay isa sa may itsura sa classroom kaya lang may pagka-idiot.
"Belimi, Reug?" Ito naman isang to tahimik, tahimik pag walang katabi.
"Bohr, Lander?" Si Bhor yung taong pwede mong utos utosan ewan ko kung bukal ba sa loob nya yun.
"Crint, Lein?" Isa to sa Madaldal lalaking sa klase namin.
"Dimenes, Allan?" No comment, sama ko. pero seryoso, ang weird kasi nya tsaka parang hindi pagkakatiwalaan alam nyo?
"Dorgon, Willo?" Eto naman parang bakla, pero hindi naman raw kasi nga may girlfriend.
"Eullio, Drill?" Isa pa to, daig pa ang babae sa daldal. KSP din to. (Haha, okay ako na rude)
"Fransia, Chris?" Ito naman kala mo tahimik, yun pala nuknukan din ng daldal.
"Gamara, Job?" Hmm, mabait naman to minsan, hehehe nahingan ko kasi to ng favor eh.
"Hernandez, Maky Gie?" Gay. Syempre ano pa aasahan mo sa isang gay? He's nosy by the way.
"Holane, Jaycee?" He's irritating sometimes, but mabait naman.
"Jerson, Gersie?" He's funny. Haha kung ano ang itinanong mo sa kanya, sya namang layo ng sagot nya.
"Lomino, Doven?" He's a good dancer.
"Manggat, Jary?" Yeah, di to bakla, pero napakadaldal din nito.
"Ovullo, Jonel?" Parang GGSS to eh (gwapong gwapo sa sarili)
"Pinez, Nathan?" Good dancer din sya at kasundo nya si Drill.
"Quezon, Rail?" Uhm, actually di ko feel ang isang to.
"Reyes, Anthony?" Medyo naiirita naman ako dito, di mo alam kung kelan seryoso sa hindi eh. Sabi rin Chloe mag iingat ako jan, ewan ko kung bakit.
"Roseta, Mikael?" He's gay also, pero di naman nakakairita like Maky. And oh he's our vice-president.
"Salazar, Doland?" Our president.
"Trinidad, Lowell?" Absenero ang isang to, lulubog at lilitaw.
"Verry good! Kumpleto ang boys nating ngayon ah. Eh sa girls kaya? Papatalo ba kayo sa attendance?" Patawang sabi ni Mam. Absent freak kasi si Mam at ayaw nya talaga ang absent.
"Abe, Nikkie?" Simula ni Mam sa girls.
"Balanse, Kryzel?" Hm, okay naman sya minsan, minsan lang.
"Binggy, Junie?" Ang pinakamadaldal sa girls.
"Cabusa, Chloe?" Si Chloe yung nabanggit ko kanina, okay naman sya kaya lang minsan tahimik.
"Callie, Thallia?"
"Present." Sagot ko ng medyo malakas. Nasa last na seat kasi ako eh saka medyo maingay pa.
"Cervantes, Larah?" Nung una talaga naiinis ako dito, pero nung nagtagal okay naman pala sya. Panget lang talaga siguro ng naging impression ko sa kanya.
"Cevelia, Risty?" Okay naman din sya, annoying lang minsan.
"Dainon, Tin?" Maraming nagsasabing mukha raw syang dugyot. At hindi ako isa sa mga yon okay?
"Domingo, Chie?" Isa sia mga "friend" ko.
"Fulan, leby?" Silent type sya, pero nakikita ko naman nakikipag daldalan sya kay Chloe
"Lazera, Gelo?" Haha. Nung una di ako pinapansin nito, pero ok na nmn ngayon, isa sya close ni Chloe
"Lianan, Thery?" Dati ko syang seatmate kaya lang napalipat ng seat.
"Marize, Haigne?"
"Nunez, jasha?" Isa ito sa mga girls na ayaw maintriga .
"Ovales, Kyla?" She's one of the smallest girl, pero maling naman syang sumayaw .
"Peres, Ella mae?" Tahimik kapag hindi kasama ung mga kaibigan nya.
"Punyon, Cherrie?" Close minded raw sabi nila.
"Priam, Nerlyn?" One of the tallestgirl in class .
"Rayey, Erie?" I actually like this girl, wala lang parang mabait kasi sya.
"Rolin, Myca?" Bihira ko lang to makita eh. Pero mukhang nice naman
"Santos, Yesha?" They she's pretty, buti don't think so.
"Talees, Risa?" Well yeah, she got looks
"Ulasuez, Anna?" I think she's good friends with.
"Vatan, Relle?" Well, because when the school start, silang dalawa ang lagi kong nakikitang magkasama .
"Wow?! Perfect attendance? Dapat laging ganyan" tuwang-tuwang sabi ni Mrs. Gomez.
"Ma'am! Lagi naman kaming perfect attendance!" Sigaw ni Eullio.
Natawa naman ang iba sa mga classmate ko. Ano naman kaya ang nakakatawa dun?
"Kaya nga, kaya dapat ipagpatuloy niyo. Well anyways, mayroon bagay na iaanaunce sa inyo-"
Pagkatapos magsalita si Ma'am naghiyawan naman ang mga kaklase ko sa tuwa at excite.
Ako, tahimik lang at nakikinig lang sa kanila. You know dahil nasa pinakadulo nagmumukha tuloy akong outcast.
"Okay, kanina lang sinabi sakin ito pero may magiging bago kayong classmate. You know na mahigit isang buwan na rin nag simula ang klase. Pero nalate lang naman sya ng kunti at class! Be good to her." Pununta si Ma'am sa pinto at binuksan.
Pumasok ang di katangkaran na babae, at di gaanung kaputi pero kapansin pansin naman ang naamong mukha nito.
"Please introduce youself." Sabi ni maam sa girl at itinuro nya ang gitna.
"Hi! Im Bianca Makinley, 16, nice to mate you." Sabi nya ng walang reaksyon ang mukha. Stright face lang sya.
Napatango na lang si Ma'am. At itinuru ang natitirang bakanteng upuan- ang katabing upuan ko. Nagpasalamat lang si girl at dumiretsyo sa tabi ko.
Lumipas ang ilang minuto. Tumahimik na rin ang mga kaklase ko dahil magsisimula na ang klase.
By the way. Im Thallia Callie. 17 years old at 4th year/grade 10 ngayon sa Brent high school.
Nangalumbaba lang ako kunyaring nakikinig sa klase. Nakakatamad talaga pag asa last ka.
Well ganito lang ang buhay ko.
--------
"Hi-hi?"
Break time na, at mag isa akong kumakain sa classroom ng sandwich habang nakatingin sa bintana. Emo lang ang peg. Nang biglang mag-hi sakin si seatmate.
Lumingon ako dito. At binigyan ng tipid na ngiti.
"Hello!" Sagot ko habang ngumunguya. Don't worry wala namang tumatalsik.
"Im Bianca, you are?" Wow, inglesera si ate! Inilahad niya ang right hand nya.
"Thallia, nice to meet you" pakilala ko sabay abot ng kamay nya. Hmm, malambot ung kamay nya.
"Why are alone? Don't you have a friend?" Wow lang ah. Inglesera talaga eh. Dahil inenglish nya ko, mag iingelish din ako, sasabayan ko lang wag lang dumugo ung ilong ko dito.
"I just don't like crowded places. Well im not noisy people but I have a friend." Sagot ko sakanya habang winiwave ko pa ang kamay ko. Ewan ko kung na gets nya yung sinabi ko.
Maya-maya pa eh, napatawa na lang sya ng mahina .
"Sorry, nasanay lang kasi ako mag-english dahil sa dati kong school. Anyway, kung ganun, can i be your friend?" Tanong nya may alanganing ngiti.
Sasagot na sana ako ng pumasok sa room si chloe. Nakunot pa yung noo nya pero dumiretso na rin sya sa amin .
"Hi!" Bati ni bianca sabay ngiti.
"Hello!, I am Chloe. Bakit kayo andito di kayo bababa?" Takang tanong nito.
Ang ibig sabihin nya yata kung bakit andito si Bianca, alam naman nya kasi na hindi ako sa canteen nag bbreak.
"I just dont feel eating in canteen. At mukhang by group ang mga nandun." Sagot ni bianca at napayuko. Hm. I guess.... bitches?
"Pwede kang samahan ni Chloe kung gusto mong bumaba para bumili ng pagkain mo!" Napatawa na lang ako nang inirapan ako ni chloe. Alam ko naman kasi na hindi sya sang ayon dun, tamad din kaya to bumaba, napipilitan lang sya pag wala syang baong kanin.
"Ay naku, hindi na-"
"Its alright, saka wag kang aasa jan kay Thallia. Di kasi talaga yan bumababa, my glue ata sa upuan nya kaya di sya tumatayo once na maupo na sya." Alam kong inaasar nya ako, pero di ko na sya punanasin at nag patuloy na lang sa pag kain.
------
Napahikab ako at napaunat.
Uwian na pala at inaayus ko na ang mga gamit ko kasi excited na ko umuwi.
"Thallia" tawag sakin ni Chloe, nag hihintay na pala sila ni Bianca sa pinto
Ewan ko kung bakit napasama si Bianca, inaaya kasi ako ni Chloe kanina na sabay na daw kaming umuwi. Minsan lang kami mag sabay may dinadaanan pa kasi sya kung minsan.
"Bakit pati si Bianca kasama?" Patawang tanong ko.
"Hindi mo ba narinig kanina? Tabi lang ng subdivision natin sa kanila" paliwanag ni Chloe na medyo na patawa rin.
Talaga? Di ko ata na rinig yun O hindi lang tagala ako interesado? Alin man sa dalawa wala akong paki.
"So? Tara na sabay na taung tatlo mag didilim na rin!!" Dagdag ni chloe.
Lumabas na kaming tatlo sa campus. oo nga malapit nang magdilim.
"Bianca, tanong lang ah. Hindi naman sa nakikitsismis ako, pero makikitsismis na rin, bakit ka lumipat na school?" Tanongni Chloe.
"Hindi yan nakikitsismis" natatawang sabat ko.
Natawa ako nung sinimangotan nya ko, tapos tumingin ulit kay Bianca para sa sagot nito.
"Di ok lang! Ano kasi ah? Pano ko ba sasabihin to?"
Di ko alm kung matatawa ba ko o babatukan si Chloe sa naging reaction nito. Yung para bang inaabangan nya ung susunod na sceen sa horror movie na pinapanuod nya? Gets nyo?
"Bakit ba may nang-aaway ba sayo? Bakit di mo simulan sa Simula sa gitna o sa wakas?" Mungkahi ko sakanya, sa nakikita ko kasi nahihirapan syang sabihin.
"Oo tama, pero mas bet ko yung simula" natatawang duktong ni Chloe.
Kahit kailan talaga tong babaeng to.
"Pero okay lang naman kung ayaw mo o hindi ka pa handa " Chloe-
"Hindi naman sa ganun, basta pag handa na ko o kaya ko nang sabihin ikukwento ko agad sa inyo promise friend naman tay diba?" Bianca-
"Oo, naman no!" Sigaw ni Chloe, nakaas pa yung isang kamay na parang nanunumpa.
"Kaw Thallia?" Napatingin ako bigla kay Bianca, dahil sa tanung nya.
Nakatingin lang si Chloe sakin, nag hihintay ng sagot.
"Ok lang" sabi ko nalang, well wala namang mawawala sakin eh.
"Yes! anyway dito na ko, bye see you tom!." Bianca-
"Bye!" Kaway ni chloe.
Tinanguan ko lang sya at binigyan ng tipid na ngiti. Nagpatuloy kami ni Chloe sa paglalakad.
"Bye na Thallia dito na ko kita na lang tayo sa school" paalam ni Chloe sakin.
Nginitian ko lang sya at nag patuloy na sa paglalakad. Malaki talaga ang bahay ni Chloe. Bigla namang sumagi sa isip ko kung ano yung dahilan ni Bianca sa paglipat ng school. Dihamak naman ng mas maganda yung school nya noon. At yung reaction nya nakakaduda. Ohhh. Bakit ko ba iniisip yun? Sabi naman nya sasabihin nya pag handa na sya, so mag hihintay na lang ako. Tss.. parang ang daming nangyari sa araw na to.