"Mommy let's go!" Hila hila ako ng anak kong si Calley. Hindi ko alam kong saan niya ako dadalhin dahil piniringan niya ako. "Sandali anak dahan dahan lang. Madadapa ako eh." "Ano na naman ba itong kalokohan mo ha?" tanong ko sa kanya. "Basta mommy. Just keep walking. Malapit na tayo." "We're here... stop mommy." Huminto ako sa paghakbang. "Mommy are you ready?" "Yes baby." sagot ko kahit hindi ko alam ang kalokohan niya. Mahilig kasi siyang makipaglaro sa akin. Minsan nga ay nagbabahay bahayan kaming dalawa. Kahit nagmumukha na rin akong bata ay okay lang basta mapasaya ko lang ang anak ko. "Mommy tatanggalin ko ang piring mo ha. Pero huwag mo munang idilat ang mga mata mo." "Okay." "Promise?" "Yeah. Promise." "Mommy yumukod ka ng konti hindi ko abot eh." "Eh kung ako na

