bc

LEAVING YOU

book_age18+
1.6K
FOLLOW
35.1K
READ
HE
neighbor
heir/heiress
drama
mystery
like
intro-logo
Blurb

"I'm leaving you not because I don't love you. Instead, I'm leaving you because I don't want you to be hurt." - Caddy"If you choose to leave me, then don't ever turn your back to me again. Dahil wala ka ng babalikan pa." - LanderDahil sa sakit sa puso ay mas pinili ni Caddy na iwan ang kanyang asawa upang hindi ito masaktan kapag dumating ang araw na iiwan na niya ang mundong ibabaw. Mas gugustuhin niyang kamuhian siya ng kanyang asawa at isiping nagloko at sumama sa ibang lalaki kaysa araw araw niya makikitang nasasakatan ito habang pinapanuod siyang unti unting nilalamon ng kanyang sakit. Si Lander, dahil sa pag aakalang pinagpalit siya ng kanyang pinakamamahal na asawa sa ibang lalaki ay kinamumuhian niya ito ng sobra. Dahil hindi niya matanggap ang ginawa ng asawa ay naisipan niyang maghiganti. Ginawa niya ang lahat upang magdusa ang pamilya ng asawa. Sa ganoong paraan man lang ay maipaghiganti niya ang kanyang sarili. Dahil sa ginawa niya ay nawalan ng pamumuhay ang pamilya nito na naging dahilan rin upang mahinto ang pagpapagamot ni Caddy na siyang lalong nagpalala sa kanyang kalagayan.Anong gagawin ni Lander kapag natuklasan niya ang tunay na dahilan ng pag alis ni Caddy?Maitatama pa ba ng kanyang pagsisisi ang mga ginawa niya ngayong huli na ang lahat?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Caddy please explain to me what's going on." nagtataka niyang sabi sa akin. Kitang kita sa kanyang mukha ang kalituhan sa mga nagyayari. At tinatawag niya ako sa pangalan ko. Ibig sabihin ay seryoso na siya. Ganon siya kapag hindi na natutuwa sa mga nagyayari. " Hon... I'm sorry but I have to leave." "Where are you going? Iiwan mo ba ako?" Natahimik ulit ako. "Hindi mo na ba ako mahal?" "No Lander, You know how much I love you." "But why?" "Lander always remember this... Im not leaving you because I don't love you. I'm leaving you because I don't want you to be hurt." "No walang aalis Caddy. Walang aalis hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang totoo." "Please Lander huwag mo na akong pahirapan pa. Masakit para sa akin ang umalis. But I have to." "Meron ka bang iba?" Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko akalaing pag iisipan niya ako ng ganoon. "Kaya ka ba nanlalamig nitong mga nakaraang araw dahil may iba ka na? Tell me Caddy. Tell me!!" "Lander.." "Kaya ba lagi mo akong inaayawan at lagi kang nagdadahilan kapag gusto kong may mangyari sa atin? At ang nangyari sa atin kagabi. Pinagbigyan mo lang ba ako dahil iyon na ang huli. Dahil may balak ka ng iwan ako ngayong araw. Ganon ba?" Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa kanya. At habang nagsasalita siya ay kitang kita ko sa kanyang mga mata ang bumabalatay na sakit dahilan para tumulo ang luha ko. Hindi ko talaga kayang nakikita siyang nasasaktan. Iyon ang kahinaan ko. "I am not enough? Hindi pa ba ako sapat para sa iyo? May pagkukulang ba ako? Bakit hindi mo sabihin ng mapunan ko." "No Lander huwag mong isipin yan. Kahit kailan ay hindi ka nagkulang." "Then what the hell is your reason for leaving me!" Hindi ako nakasagot. Napahagulhol na lamang ako sa harapan niya. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap ang iwan siya. Nasasaktan na siya sa ganito pa lang. Paano pa kaya kong mamamatay na ako sa harapan niya. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita siyang ganon. Sumeryoso ang mukha niya at nagsalita. "When you choose to leave, don't ever turn your back to me again. Dahil wala ka ng babalikan pa Caddy." Napalunok ako sa sinabi niya. Pero napag isip isip kong mas mabuti nang ganoon. Nilakasan ko ang loob ko at muling nagsalita. "I want you to be happy. Kung sa pagbabalik ko ay hindi mo na ako kailangan, don't worry I would freely accept it." Sabi ko kahit hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako. Humakbang ako para lumayo na sa kanya. Ngunit paglagpas ko sa kanya ay bigla niya akong niyakap mula sa likuran. . "Hon please... lets talk. Don't leave me... I love you so much. I can't leave with out you." "I'm sorry hon.. pero buo na ang desisyon ko." Pagkasabi ko non ay buong lakas kong inalis ang mga kamay niyang nakayakap sa akin at mabilis na bumaba ng hagdan. Tinatatawag niya ako pero hindi na ako lumingon pang muli sa kanya. Nagpatuloy ako sa paghakbang na punong puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko kayang makita siya sa ganoong kalagayan. Nasasktan ako kaya mas pinili kong bilisan ang mga hakbang ko para makalayo agad sa kanya. ************** "Sir positive. Your wife is here. I'll send you a video." "Okay." Ilang saglit lang mula pagkababa ng tawag ay tumunog na ang telepono ko. Dali dali kong binuksan ang video na pinadala ng tauhan ko. Humihigpit ang hawak ko sa telepono habang pinapanood ko ang video. Gusto ko itong ibalibag pero kailangan kong makita ang nilalaman nito. Si Caddy nasa labas ng departure area ng airport at halatang may hinihintay. Ilang sandali lang ay may dumating na isang lalaki. Nagyakapan sila at maya maya lang ay magkasama silang pumasok sa loob ng departure area habang inaalalayan siya nitong maglakad. Hindi ko na napigilan kaya itinapon ko ang telepono ko sa kung saan. "f**k! Siya ba ang ipinalit mo sa akin? At aalis pa kayo ng bansa para lang malaya kayong magsama? How dare you Caddy. Were married pero nakuha mong magloko. Anong meron siya na wala ako?" Kuyom na kuyom ko ang aking kamao sa galit. Hindi ko lubos maisip kung bakit ako iniwan ng asawa ko at pinagpalit sa iba. "Lintik lang ang walang ganti Caddy. I'll make sure na pagsisihan mo ito. Darating ang araw babalik ka at luluhod sa harapan ko para sa kapatawaran ng mga ginawa mo. At sisiguraduhin kong kapag dumating ang araw na iyon ay wala ka ng babalikan pa...."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook