Hawak hawak ni Caddy ang kanyang lab result galing sa isang heart institute sa Makati. Nakaupo siya sa loob ng kanyang sasakyan habang tahimik na umiiyak habang inaalala ang sinabi ng cardiologist.
"I'm sorry but you have stage 3 heart failure."
"What! baka nagkakamali lang ho kayo doc. It can't be"
" We already repeat the tests Mrs. Cordova. If you wanna make sure. You can freely ask for a second opinion."
Hindi siya makapaniwala na ang sintomas na kanyang nararamdaman ay dahil sa sakit sa puso.
Akala niya ay buntis siya dahil nakakaramdam siya ng pagkakahilo, at panghihina at iba pang sintomas ng pagbubuntis.
Excited pa naman siyang pumunta ng obgyne para mag pa check dahil sa pag aakalang sa wakas ay magkakaanak na sila na siyang gustong gusto ng asawa niya. Hindi na nga sya nagpasama dito dahil gusto niya itong surpresahin. Ngunit laking dismaya nya ng naging negative ang resulta.
Nirefer siya sa cardiologist dahil nitong nakaraan ay madalas naninikip ang kanyang dibdib at nahihirapang huminga na akala niya ay dala lang ng pagod sa araw araw na trabaho.
At ngayon ay ito na nga ang resulta. She's diagnosed with stage 3 heart failure.
Lalo syang napaiyak at nanlumo ng maalala kung gaano kalala ang kanyang sakit.
Ang pangarap niyang magkaroon ng isang masayang pamilya ay biglang naglaho.
"Anong magiging reaksyon ng asawa ko kapag nalaman niya ang kalagayan ko? Masasaktan kaya siya, malulungkot o madidismaya dahil ang pinaka asam asam niyang anak ay di ko na maibibigay pa."
"Pregnancy can worsen your situation. And you have to be very extra careful about your lifestyle and limit your physical activities ." Naalala niya ulit na sabi ng doctor.
Pinahid niya ang kanyang luha at nag umpisa ng mag drive pauwi ng bahay.
CADDY'S POV
"Goodevening hon, saan ka nanggaling?" bati ng malambing kong asawa sa akin sabay halik sa labi ko.
"May binili lang ako sa mall hon, sorry ha hindi na ako nakatawag sa office mo kanina." pagsisinungaling ko.
"It's okay hon kararating ko lang din naman."
"Nagugutom ka na ba? Teka magbibihis lang ako at magluluto na ako ng hapunan natin."
"Don't bother hon, nagluluto na si Aling Marta sa kusina."
"Okay, cge maiwan muna kita dito magbibihis lang ako saglit." tugon ko tsaka pumanhik na ako sa aming kwarto.
Pagdating ko ng kwarto ay napabuntong hininga ako. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwang.
Dali dali kong nilagay ang bag ko at magbibihis na sana ng biglang may yumakap sa baywang ko mula sa likod.
"Hon, nakakagulat ka naman, akala ko ba maghihintay ka sa baba."
"Sabay na tayong bumaba, nakakabagot maghintay dun."
"Okay pero bitawan mo muna ako dahil magbibihis ako."
Hindi siya umimik bagkus ay iniharap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa ay nakayakap pa rin sa baywang ko.
"I love you hon." malambing niyang sabi sa akin.
Ngumiti ako sa kanya "I love you too.."
Tinitigan niya ako ng nakangiti tsaka hinalikan ako sa labi. Tumugon ako sa mga halik niya at maya maya pa ay pinalalim na niya ang halikan namin. Ang kaninang balak ko na magbihis ay nakalimutan ko na dahil nakatuon na ang atensyon ko sa ginagawa namin.
Yumakap narin ako sa kanyang batok.
"Hmmm, hon.. I love you so much..."
"I love you more hon..." tugon ko sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
Naalala ko ang kalagayan ko kaya hindi ko maiwasang malungkot.
Bahagya ko siyang itinulak.
"Why?" nagtataka niyang tanong.
"Kakain na tayo diba."
Ngumiti siya sa akin.
"Pwede bang ikaw muna ang kainin ko?" sabi niya sa nakakaakit na tono. Labas pa ang pantay pantay at mapuputi niyang ngipin.
God paano ko ba mahihindian ang gwapong mukha sa harapan ko.
Hinalikan niya akong muli. Iiwas pa sana ako ngunit ipinulupot niya na ang mga kamay niya sa beywang ko. Wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang. Sino ba naman ako para tumanggi. Ako lang naman ang asawa niyang mahal na mahal siya. Na isang haplos at halik lang ng asawa ko ay bumibigay kaagad.
Ang plano naming hapunan ay nauwi sa kama at ilang beses na pagniniig.
"Hon..." tawag ko sa asawa ko habang magkayakap pa rin kaming nakahiga sa kama.
"Hmmm.?"
"Kung sakaling mawala ako anong gagawin mo?"
"What do you mean?"
"Ahhh kasi... hindi naman natin hawak ang buhay natin. Paano kung isang araw bigla na lang akong mawala..."
"No hon, don't say that.. Hindi ko kayang mawala ka. Kaya promise me na hindi mo ako iiwan. Ikaw ang buhay ko hon.. Mahal na mahal kita.. Sa iyo umiikot ang mundo ko. You know that."
Hinawakan niya ang baba ko tsaka inangat paharap sa kanya.
"Promise me hon. Don't leave me. Gagawin ko lahat para sa iyo. Sabihin mo kung may problema ka sa akin. Kung meron akong nagawa na hindi mo nagustuhan para hindi ko na maulit pa."
"No hon, wala kang nagawa. Your a perfect husband for me. I'm so happy that I had you." sabi ko sa kanya.
"I want you to be happy. I want our marriage last. Lets work for this together. Promise me hon." sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
" I promise hon." sabi ko habang nakangiti ng bahagya.
Ang hindi niya alam ay kanina ko pa pinipigilan ang mga luha ko.
"I love you so much hon. Walang makakapantay ng pagmamahal ko sayo."
"I love you too hon.." hindi ko na mapigilan ang maluha kaya may ilang butil na nalaglag mula sa aking mata.
"Why are you cying?" nag aalala niyang tanong.
Umiling ako.
"Nothing hon, I'm just happy and thankful for having you."
Totoo naman ang sinabi ko. Masaya ako na nakatagpo ako ng isang lalaking tulad niya. Ang lalaking minamahal ko at minamahal ako ng sobra. Pero ang hindi niya alam ay naiiyak ako dahil nalulungkot ako. Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako para sa kanya. Para sa araw ng paglisan ko. Darating ang araw na haharapin niya ang buhay nang wala ako. At hindi ko alam kung paano niya gagawin yon kung ngayon pa lang ay sinasabi na niyang hindi niya kayang mawala ako.
Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon hinayaan ang luha kong sunod sunod na maglaglagan.
"Gusto mo bang magpadala na lang ng hapunan dito sa kwarto natin? tanong niya sa akin.
"Sa kusina nalang tayo." sabi ko habang pasimpleng pinunasan ang luha ko.
" Okay."
Tumayo siya mula sa pagkakahiga at maya maya lang ay naramdaman kong umangat na ang katawan ko.
"Hey, saan mo ako dadalhin. Ibaba mo ako."
"Sa baba kakain na tayo. Bubuhatin na lang kita dahil alam kong pagod ka na."
"Kaya ko nang maglakad hon."
"But I want to carry my wife. Masama ba yon?"
"Walang masama pero nakakahiya kina Aling Marta.. Baka makita na naman tayo."
"Anong nakakahiya don? Mag asawa naman tayo. Natural lang naman yon. Hindi ka pa rin nasanay."
Oo nga lagi niya itong ginagawa sa akin. Kaya lang ay nahihiya talaga ako kapag nakikita kami nila Aling Marta at ilang kasambahay. Baka sabihin eh masyado kaming PDA.
Nang buksan na sana niya ang pinto ng kwarto ay bigla akong napasigaw at agad pinigilan ang kamay niya na siyang ipinagtaka niya.
"Why?"
"Lalabas tayo ng ganito ang hitsura natin.?" malakas ang boses kong tanong sa kanya.
Bigla siyang napatingin sa mga hitsura namin. Nakahubo't hubad pa at wala pang saplot ni isa. Bigla siyang natawa sa kalokohan niya.
"Sorry nakalimutan ko." sabi niya habang nakatawa pa.
Paano pala kong hindi ko rin napansin. Eh di lumabas kaming walang saplot. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon ng mga makakita sa amin.
Bumalik siya sa kama at pinaupo ako doon. Tatayo sana ako para magbihis ng pinigilan niya ako.
"Don't move. Ako ng magbibihis sayo."
Kumuha siya ng damit ko tsaka ako binihisan. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon.
"Bakit mo ako tinititigan. I know I'm handsome hon. Araw araw mo naman akong nakakasama at nakikita. Hindi ka parin ba nagsasawa kakatitig sa akin.?"
Natawa ako sa sinabi niya. Ang yabang naman nitong asawa ko. Sabagay totoo naman ang sinabi niya. Sa gwapo ba naman niya ay talagang hindi ka magsasawang titigan siya. Dagdag pa ang magandang hubog ng katawan niya. Ang malalapad niyang dibdib at mamasel na braso. Napatingin ako sa abs nya na nakabalandra sa harapan ko at dahil wala pa siyang saplot ay napadako ang tingin ko sa ibaba pa noon. Napalunok ako ng matitigan iyon.
"Ahemm."
Bigla akong napatingin sa kanya ng marinig ang boses niya.
"Sabihin mo lang kung gusto mo pa. I'm always available for you hon." tukso niya na nakatingin sa akin habang nakatawa pa.
Biglang nag init ang pisngi ko sa hiya ng makuha ang ibig niyang sabihin. Bigla kung iniwas ang tigin ko sa kanya.
"Para titig lang gusto agad." depensa ko sa sarili ko para maisalba ang pagkapahiya ko.
"Hahaha. Hon, kung may titig may balak."
Napatingin akong muli sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Huh! kelan pa may ganong kasabihan?"
"Now lang hon." sagot niya habang nakatawa pa rin. "Kaya huwag ka ng mahiya dahil asawa mo naman ako." sabay kindat pa sa akin.
"Lander! Tumigil ka nga."
"Hahaha."