Habang naliligo ang asawa ko sa banyo ay dali dali kong kinuha ang gamot ko na nasa bag. Binili ko ang reseta ng doctor kanina bago ako umuwi ng bahay. Kumuha ako ng tubig tsaka ininom ang mga ito.
"Hon, maliligo ka ba? Sabay na tayo." sigaw niya mula sa banyo.
"Ahhh.. Y... yes hon. Sandali lang."
Mabilis kong ipinasok sa bag ko ang mga tirang gamot.
Shit... Ganito pala kapag may nililihim ka. Laging kinakabahan dahil anumang oras ay puwede kang mabisto. Ngayon lang ako naglihim sa asawa ko kaya hindi talaga ako mapakali.
Bukas ay pupunta ulit ako sa ibang doctor para magpatest ulit. Magbabakasakali akong magiging negative ang resulta. Wala naman sigurong masama kung iinumin ko na ang gamot kahit wala pang second opinion.
"Hon..."
Napaigtad ako sa muling pagtawag niya.
"Andyan na hon.." Isinara ko ang bag ko at nagmamadaling pumasok ng banyo.
"Anong ginagawa mo. Bakit ang tagal mo?"
"Ahhh.. uminom pa kasi ako ng vitamins... oo tama vitamins..."
"Are you okay?" tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Ha... yes hon.. why?"
"Para kasing natataranta ka na hindi mapakali. May problema ba?"
Ang lakas talaga ng radar ng asawa ko. Alam na alam ang bawat kilos ko. Mukhang wala pang isang araw ay malalaman na niya agad ang tinatago ko.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita.
"No hon.. nagmamadali kasi akong pumasok dito. Mukha kasing naiinip ka na kakahintay sa akin." palusot ko at ngumiti pa ako ng pagkatamis tamis sa harapan niya para mas kapani paniwala.
Ngunit mukhang mali yata ang ginawa ko dahil bigla niya na lang akong nilumukos ng halik.
"H.. hon akala ko ba maliligo tayo."
"Yeah... later hon.." sabi niya at bigla nalang hinubad ang suot kong damit.
"Hon.. katatapos lang natin kanina."
"Sorry hon, I can't get enough over you. Just one more time."
"Just one?" paniniguro ko sa kanya.
Ngumiti siya tsaka tumango.. Pero mukhang duda ako sa ngiti niya.
At hindi nga ako nagkamali dahil ang isa niya ay nasundan pa ng isa at isa pa.
"Akala ko ba isa lang?"
"Lubos lubusin na natin hon. Para makabuo agad tayo."
Bigla akong natigilan sa sinabi niya.
"Bakit hon.. ayaw mo bang mag kaanak tayo?" tanong niya sa akin.
"Syempre gusto. Pero paano kung hindi pa ipagkakaloob sa atin ng Diyos ang inaasam asam nating anak?"
"Well, I'm willing to wait naman. For now wala tayong ibang gagawin kundi ang magsaya and try and try until may mabuo. hmm.." nakangiti niyang sabi.
Napangiti ako ng pilit.
"Mukhang lalaspagin mo ako sa gagawin mo."
"Hahaha. Don't worry hon. Mangyari man yon ikaw at ikaw pa rin ang mahal ko. Ikaw lang hon at wala ng iba.. Hanggang pagtanda natin ay ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. I promise you that. Magkasama pa rin tayo hanggang sa uugod ugod na tayo. Ipangako mo lang sa akin na walang iwanan."
Hindi ako nakaimik. Dapat ay masaya ako sa mga sinabi niya pero hindi ko magawa dahil alam kung hindi na mangyayari yon. Sa tulad kung may sakit na ganito ay ilang taon na lang ang ilalagi ko dito sa mundo. At kahit laspagin niya pa ako ng laspagin at ilang beses niya mang subukan ay walang mabubuo dahil sa hindi talaga puwede. May iniresita ang doctor para hindi mangyari ang gusto niya.
Pagkatapos naming maligo ay binuhat niya ako papuntang closet. Sabay kaming nagbihis at pinaupo niya ako sa harap ng vanity mirror. Sya na rin ang nagsuklay at nagpatuyo ng buhok ko na lagi niyang ginagawa.
Pakiramdam ko ay isa akong prensesa sa trato niya sa akin. Wala na akong mahihiling pa maliban sa isang bagay. Ang magkaroon ng himala para sa sakit ko.
Nang matuyo ang buhok ko ay binuhat niya akong muli patungo sa kama.
"Hon huwag mo naman akong sanayin na ganito palagi. Sige ka pag nasanay ako hahanap hanapin ko ito. Baka mapagod ka."
"Kahit kailan hindi ako mapapagod basta para sayo hon. Masaya ako sa ginagawa ko."
Inilapag niya ako sa kama at sabay na kaming nahiga. Inayos niya ang kumot namin tsaka humarap siya sa akin at niyakap ako.
"Good night hon, I love you." sabi niya sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Good night, I love you too hon."
Sumiksik ako sa leeg niya at yumakap na rin sa kanya. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang banayad niyang hininga tanda na nakatulog na siya.
Samantalang ako ay gising na gising pa rin ang diwa. Hindi ako makatulog dahil naiisip ko ang kalagayan ko.
Inangat ko ang mukha ko at tumingin sa kanya. Itinaas ko ang kamay ko at marahang hinaplos haplos ang mukha niya.
"I'm sorry hon. Hindi ko na maibibigay ang pangarap mong pamilya."
Hindi ko maiwasang masaktan sa maaaring mangyari. Paano na siya kapag wala na ako? Kakayanin niya kaya? Paano niya tatanggapin ang mangyayari sa hinaharap?
Kakaisip ko ay hindi ko maiwasang maiyak. Napasinghot ako dahilan upang gumalaw ang asawa ko. Nagising ko yata siya.
Dali dali akong yumuko para hindi niya makita ang mga luha ko kung sakaling dumilat siya. Hindi ako gumalaw at nagkunwari akong tulog. Laking pasasalamat ko at yumakap lang siya sa akin ng mahigpit at hindi na gumalaw ulit. Pinahid ko ang luha ko tska yumakap din ako sa kanya ng sobrang higpit na animo'y wala ng bukas.
Pagkalipas ng tatlong araw ay natanggap ko ang lab result sa isang hospital kung saan ako nagpatest muli. And the result is still positive. Napahinga ako ng malalim. Ang kaisa isang pag asa ko ay biglang naglaho. Ano na ang gagawin ko ngayon?
Nasa loob ako ng simbahan. Dito ako nagpalipas ng oras pagkagaling ko sa ospital. Hindi ko maiwasang tanungin sa Panginoon kung bakit kailangang ako pa ang makaranas ng ganito.
Mabuti tao naman ang asawa ko pero bakit kailangan niyang maranasan agad ang mawalan ng asawa. Ang asawa at mga magulang ko kasi ang unang masasaktan kapag may mangyari sa akin.
And speaking of magulang ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanila ang tungkol sa sakit ko. Nag iipon pa ako ng lakas.
Saktong paglabas ko ng simbahan ay tumawag ang asawa ko.
"Hello hon, nasaan ka? tanong niya agad pagkasagot ko ng phone.
"Nasa simbahan hon, why?"
"Antayin mo ako diyan susunduin kita okay."
Hindi ko man alam ang dahilan ay umokay na rin ako. Pumasok akong muli sa simbahan at naupo habang naghihintay sa kanya. Pagkatapos ng kinse minutos ay lumabas akong muli para doon na lang maghintay. At ilang minuto pa ay dumating na nga siya.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya ng makalabas siya ng kotse niya.
"Sa doctor hon." sagot niya sa akin habang nakangiti pa.
"Doctor? Bakit?"
"Papatingin tayo. Hihingi tayong advise kong anong dapat nating gawin para makabuo agad." excited niya pang sagot habang ako ay napako sa kinatatayuan ko.
" Ahhh. wala ka bang ginagawa sa opisina? Diba sabi mo nakatambak ang mga gagawin mo?" pagdadahilan ko.
"Hon, baka nakalimutan mong ako ang may ari ng kompanya. Tsaka importante naman tong gagawin natin. Hindi naman ako umaalis ng opisina kung hindi importante. At ikaw ang pinakaimportante para sa akin hon."
"Puwede naman nating gawin sa ibang araw. Baka kasi malugi ka na niyan."
Natawa tuloy siya sa sinabi ko.
"Hon, kahit ilang buwan akong mawawala hindi tayo mamumulubi okay?"
Oo nga naman. Hindi nga naman talaga siya malulugi sa kalahating araw na pagliban niya sa opisina. Bakit ko ba kasi nasabi yon. Ang isang bilyonaryong tulad niya ay hindi mamumulubi kahit na hindi pa magtatrabaho dahil may mga tao ng magtatrabaho para sa kanila. Maliban na lang kung may sasabutahe sa negosyo niya. Sa edad niyang 32 ay isa na siyang matagumpay na negosyante. May sariling negosyo dahil na rin sa kanyang sariling pasisikap.
Ako naman ay 27 years old at dalawang taon na kaming kasal at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami biniyayaan ng anak.
Gusto kong magtayo ng sarili kong negosyo pero ayaw niyang mapagod ako kaya nakuntento na lang ako sa simpleng may bahay. Tutal naman daw ay sobra sobra na ang kinikita niya kaya mag focuss na lang daw ako sa bubuuin naming pamilya. Kaya mas lalo akong nadismaya dahil iyon na nga lang ang role ko sa buhay ay hindi ko pa kayang magampanan.