Chapter 3

1250 Words
"So let's go?" yaya ng asawa ko sa akin. Bigla akong nataranta. "Ahh. ehh. Pwede bang kumain muna tayo? Nagugutom na ako eh." Ang totoo ay busog pa ako. Pero kailan kong gumawa ng paraan para hindi kami matuloy. "Okay. Saan mo gustong kumain." "Kahit saan hon." Inalalayan niya akong papasok ng sasakyan at nag umpisa ng magdrive. Nagiguilty ako. Mula ng malaman ko ang sakit ko ay lagi na akong magsisinungaling sa kanya. He don't deserve this. Pero anong gagawin ko, mas masasaktan siya kapag nalaman niya ang totoo. Hindi ko namalayan na nasa restuarant na pala kami. "Where here hon." Bumaba siya ng sasakyan tsaka umikot sa dako ko at pinagbuksan ako. Inalalayan niya akong bumaba at magkahawak kamay na pumasok sa loob ng restuarant. "What do you want hon?" tanong niya sa akin. "Ikaw na ang bahala hon. You already know what I what." sabi ko habang nakangiti sa kanya. Habang hinihintay ang aming order ay may biglang lumapit sa asawa ko. "Hi Lander. I did not expect to see you here." maarte nitong sabi sa asawa ko. "Hi." pormal na bati ng asawa ko. Kilala ko siya. Siya si Sabrina, ang anak ng kasosyo ng asawa ko. Nahahalata kong may gusto siya sa asawa ko pero hindi naman ako nababahala dahil may tiwala ako sa asawa ko. "Can I join you?" tanong pa nito "Sorry Ms. Villanueva, but I'm with my wife and I want privacy for us." prankang sagot ng asawa ko. Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Sabrina pero hindi niya pinahalata. "Oh sorry, I understand Lander." hinging paumanhin niya tsaka lumingon sa akin. "Hi Mrs. Cordova." nakangiti niya pang bati sa akin. "Hi." ganting bati ko. "So iwan ko muna kayo dahil ayaw naman pa istorbo ng asawa mo." Tumango lamang ako. Ibinalik niya ang tingin niya kay lander. "Bye Lander." paalam niya sa asawa ko. Pakiramdam ko ay sinadya niya na talagang maging kaakit akit ang boses niya o baka nga akala ko lang. Bago siya umalis ay sumulyap muna siya sa akin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may ibig sabihin ang tingin niyang yon. Tingin na nagbabadya. Tingin na nagsasabing makukuha ko rin ang asawa mo. Ngunit binalewala ko nalang. Umupo siya sa kasunod lang din na table at nakikita ko ang lagi niyang pagsulyap sa gawi namin. Hindi naman siya pinapansin ng asawa ko kaya itinuon ko na lang din ang atensyon ko sa pagkain na nasa harapan namin. Nag uusap lang kami ng asawa ko at dahil magkatabi kami ay sinusubuan niya ako paminsan minsan at hinahagkan sa pisngi na siyang ikinausok ng ilong ng babaeng nasa kabilang table. Napakalambing ng asawa ko kahit nasa labas kami. Hindi siya nahihiyang iparamdam sa akin at ipakita sa iba kung gaano niya ako kamahal. Hindi tulad ng iba na kapag nasa labas ay parang hindi kilala ang mga asawa nila. Para bang ikinahihiya nila ang mga ito. Ni ayaw ngang makipagholding hands man lang. Kaya napakaswerte ko talaga sa asawa ko. May nakakakita man o wala ay pinaparamdam niya ang pagmamahal niya para sa akin. "Hon, punta na tayong hospital." Napatigil ako sa pag inom ng tubig. Oo nga pala muntik ko ng makalimutan ang bagay na iyon. Bigla akong napahawak sa aking ulo. "Bakit hon?" "Ahh. Bigla kasing sumakit ang ulo ko." "Ha.. Teka kaya mo ba? Magpahinga muna tayo saglit." nag aalala niyang sabi. "Don'y worry hon, kaya ko naman. Medyo nahihilo lang ako." ngunit mali yata ang nasabi ko dahil mas lalo siyang nag alala. "Dadalhin na lang kita sa hospital hon, para matingnan ka." "Hindi na hon." mabilis kong sagot. "Napagod lang siguro ako. Puwede bang umuwi na lang tayo? Gusto ko ng magpahinga." Nag aalangan man ay pumayag na rin siya. Pagdating ng bahay ay binuhat niya pa ako mula sa kotse papunta sa kwarto namin sa taas. "Humiga ka lang hon. Teka kukuha akong gamot para makainom ka." "Huwag na hon, baka makasama sa kalagayan ko ang pag inom ng ibang klase ng gamot." Lumingon siya sa akin na nagtataka. Huli na ng mapagtanto ko ang sinabi ko. "What do you mean?" "Ahhh. Ibig kong sabihin hindi maganda ang pag inom ng gamot na hindi nireseta ng doctor." "Hon, it's just paracetamol puwede kang uminom non kahit walang reseta." "Ha.. kasi ano.. baka hindi maganda sa tulad nating naghahangad na makabuo agad." Shit napakabaluktot ng rason ko. Pero sana ay makalusot . Nagulat ako nang manlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. "Why?' nagtataka kong tanong sa kanya. "Hon, hindi kaya buntis ka na?" excited niyang sabi habang titig na titig sa akin. Napanganga ako sa sinabi niya. "P..paano mo naman nasabi?" "Eh kasi masakit ang ulo mo. Nahihilo ka. Senyales yon ng pagbubuntis . Teka nasusuka ka ba?" "Minsan." "WOOOH! Hon, buntis ka na!" tuwang tuwa niyang sabi. "Teka hon. Nagkakamali ka. Hindi ako buntis." Ngunit hindi niya ako pinakinggan bagkus ay niyakap niya ako ng mahigpit. "Hon pupunta tayong obgyne bukas okay. Papatingin ka ha." masayang sabi niya. Mas lalo akong nanlumo. Ang akala ko ay nakalusot na ako kanina ngunit mas lalo pang lumala. Ngayon ay inakala niya pa tuloy na buntis ako. "Hon, hindi ako buntis. Dahil lang sa pagod kaya nararamdaman ko ito." " I wanna make sure hon. Para kung buntis ka nga ay maaalagaan natin si baby habang maaga pa." "Paano kung hindi ako buntis. Madidisappoint ka lang." "It's okay hon. Wala namang problema kung hindi ka buntis. Marami pa namang pagkakataon para makabuo. hmm.. Ang importante ay macheck up ka." Wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang. Mukhang hindi ako makakalusot this time. Hindi bale bukas pa naman kami aalis. Meron pa akong oras para makapag isip ng dahilan para hindi kami matuloy. ********* Kasalukuyan kaming nasa obgyne clinic. Kahit anong irarason ko sa asawa ko ay hindi umubra. Desidido talaga siyang mapatingnan ako. Kaya habang naghihintay ng resulta ng test ay hindi ako mapakali. "Are you okay hon? Bakit natetense ka?" tanong ng asawa ko. "Ahmm. Kinakabahan lang ako." Alam ko namang hindi ako buntis dahil kamakailan lang ako nag patest . Kinakabahan ako kung ano ang magiging reaksyon ng asawa ko. Makikita kasi sa mukha niya ang saya. Excited na excited siyang malaman ang resulta. Ano kaya ang mararamdaman niya kapag malaman niya ang totoo. "Mrs. Cordova. Puwede na po kayong pumasok. Andyan na ang test result." sabi ng assistant ng doctor. Napabuntong hininga ako. Sabay kaming pumasok ng asawa ko sa loob ng office. Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako para sa asawa ko. "Goodmorning Mr. and Mrs. Cordova." bati ng doctor sa amin. "Goodmorning doc." sabay naming bati ng asawa ko. "Please sit down." Magkaharap kaming umupo ng asawa ko. "Mr... Mrs... According to the test result, Mrs. Cordova is not pregnant." Bago pa man magsalita ang doctor ay nakatingin na ako sa asawa ko dahil gusto kong makita ang reaksyon niya. At hindi nga ako nagkamali. Kitang kita ko kung paano gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha. At halos madurog ang puso ko sa nakita ko. "Pero bakit niya nararanasan ang sintomas ng isang buntis? tanong ng asawa ko. "Maraming dahilan ang pagkahilo at pagsusuka. Puwedeng dahil sa pagod at puyat kaya nararamdaman niya ito. Pwede ring sintomas ng ibang sakit. If you want I can refer you to another specialist doctor para masuring mabuti ang asawa niyo." "Patay, hindi puwede. Hindi puwedeng ma examine ako ng ibang doctor. Baka malaman nila ang sakit ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD