Hindi muna ako pumapasok sa opisina dahil ginugugol ko ang oras ko sa paghahanap kay Caddy. Ganoon din naman, kahit papasok ako ay hindi rin ako makakapagtrabaho ng maayos dahil si Caddy lang ang tanging laman ng utak ko. Inip na inip na ako kakaantay ng tawag sa kahit na sinuman sa kanila. Kahit isa ay walang makapagsasabi kung nasaan si Caddy. Kagagaling ko lang sa mga kaibigan at kaklase niya noong college. Nagbabakasakaling may nakakaalam sa kanila kung nasaan ang asawa ko. Ngunit umuwi akong bigo dahil kahit isa sa kanila ay walang may alam. Naglagay na rin ako ng mga taong magbabantay sa bahay nila Caddy at sa tindahan nila bente kwatro oras. Para kung sakaling bumalik ang mga magulang niya ay malalaman ko kaagad. Mag iisang linggo na ngayon pero wala pa ring balita. Walang makap

