Umalis ako sa pinto at tumungo sa sala. Dito na lang ako maghihintay haggang sa matapos silang mag usap. Hindi ko na kayang pakinggan ang asawa ko. Pakiramdam ko kasi ay kasalanan ko lahat. Kung hindi niya sana alam noon kung gaano ko kagustong magkaanak baka makumbinse ko pa siya ngayon. Hindi ko naman alam na aabot sa ganito. Natural kang naman siguro na gusto kong magkaanak at bumuo ng pamilya kasama siya. Asawa ko siya eh. Pero hindi naman sana sa ganitong paraan. Ayaw ko rin namang mawala ang bata. Pero wala akong choice. Pareho silang mawawala sa akin kapag ipagpapatuloy niya ito. "Iho, nagmeryenda ka na ba?" hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin at namumula pa ang mga mata nito. Halatang kagagaling lang sa pag iyak. "Hindi pa po mom. Busog pa po ako eh. Mamaya

