Pumasok ako sa silid ni Rico tsaka nagbihis. Pagkatapos ay bumalik akong muli sa sala kung saan siya naghihintay. Naabutan ko siyang nakaupo habang ginagamot ang sugat niya sa mukha. Halatang namomroblema din siya sa mga nangyari. "Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ko sa kanya "Huwag na. Kaya ko na to. Patapos na rin to. Nang matapos siya sa kanyang ginagawa ay humarap sa akin. "Maupo ka muna." sabi niya habang nililigpit ang first aid kit. Umupo naman ako sa katapat niya. "Paano ka napunta rito?" seryoso niyang tanong sa akin. Inalala ko ang mga nangyari tsaka ako nag umpisang magkwento sa kanya. "May pumunta sa office kanina. Sinabi niyang may naghahanap sa akin. Nasa 3rd floor daw room 318. Kaya pumunta ako rito." "At pumasok ka dito na hindi mo alam kung sino ang naghahanap s

