Halos takasan ako ng kaluluwa ng makilala siya. Bakit sa lahat ng puwedeng bumili nitong hotel ay siya pa? Hindi ko alam kong anong nararamdaman ko. Masaya ako at naeexcite dahil pagkalipas ng isang taon ay nasilayan kong muli ang mukha ng guwapo kong asawa. Oo ang asawa ko ang nakatayo sa entrance, ang bagong may ari ng pinagtatrabahuhan kong hotel. Pero sa kabilang banda ay kinakabahan ako. Ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita ako? Tinitigan ko siya. Napakaseryoso ng mukha niya. Parang nakakatakot iapproach. Sabagay ganon naman talaga siya kapag nasa trabaho. Sa akin lang siya laging nakangiti. Naalala ko ang mga reaksyon ng mga kasamahan ko kahapon nang makita nila siya. Kaya naman pala ganun nalang sila makareact . Gwapo nga naman talaga. Kitang kita ang paghanga ng mga em

