Iyak ako ng iyak sa balikat niya. Paulit ulit akong humihingi ng tawad sa kanya habang nakayakap pa rin ng mahigpit. "Please honey... Patawarin mo ako. I'm so sorry." Hindi ko na alam kung nakailang sorry na ako sa kanya. Pero kahit minsan ay hindi siya nagsalita. Hindi rin siya gumanti ng yakap. Ibig sabihin lang non ay galit siya sa akin. Hindi niya lang siguro ako magawang itulak dahil wala siyang lakas para gawin yon. Hindi ko alam kung mapapatawad niya ba ako. Pero ang mahalaga ay humingi ako ng tawad. Gusto kong malaman niya na pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko sa kanya. Kumalas ako mula sa pagkakayakap at humarap muli sa kanya. Doon ko lang nakita na puno na rin pala ng luha ang mga pisngi niya. Pinahid ko ang mga ito gamit ang aking mga daliri ngunit para itong gripo na tu

