MRS. CORDOVA'S POV Abala ako sa paghahanda ng mga gamit ko. Ngayong araw ang alis namin ni Caddy patungong ibang bansa para magpagamot. Iyon ang huli naming napag usapan noong pinuntahan ko siya sa hotel. Yes, napapayag ko siyang magpagamot pero sa isang kondisyon. Ayaw niyang sabihin ko kay Lander ang kalagayan niya. Dahil wala naman daw kasiguraduhan kung gagaling pa siya. Kapag hindi siya gumaling ay tuluyan siyang magpapakalayo layo. Kung papalarin namang gagaling siya ay babalik siya kay Lander kung tatanggapin pa siya nito. Nabanggit niya kasi sa akin na lubos lubos ang galit ng anak ko sa kanya. Alam ko namang mahal pa siya ng anak ko. Labis na nasaktan ang anak ko noong umalis siya. Kaya nga tutulungan ko siya para kahit papaano ay lumigaya naman ang anak ko. Isa pa ay hindi

