"Sabrina?" Kinabahan si Caddy ng makita si Sabrina pero hindi niya pinahalata. Ayaw niyang makita siya nitong mahina dahil lalong lumalakas ang loob nito. "Oh? Mukhang malakas ka na ngayon ah. At blooming pa. Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig ano?" "Ano na naman ang kailangan mo Sabrina?" "Ano pa. Eh di ituloy ang naudlot kong balak." Inilock niya ang pinto tsaka ngumisi. "Ngayon sigurado akong walang makakatulong sa iyo." Lumapit siya kay Caddy at may kinuha sa loob ng bag. Nagulat si Caddy ng makita ang hawak hawak ni Sabrina na isang syringe. Sigurado siyang may gamot iyon para matuluyan siya. Bigla siyang tumayo para makaiwas kay Sabrina. Ngunit mabilis na nahawakan nito ang braso niya. "Opps. Saan ka pupunta? Hindi ka makakatakas Caddy." "Sabrina, bakit mo ba ito ginaga

