"I will let you rest for now," wika naman ni Wael matapos pagsawain ang sarili nito sa pag-angkin ng mga labi niya. "Pero dito ako matutulog. Kaya't 'yang pahinga na sinasabi mo, nakadepende pa rin sa 'yo." "What do you mean it depends on me?" "Feel this?" Kinuha nito ang kamay niya saka inilagay sa pagitan ng hita nito. "Kapag malikot ka at magpupumiglas para hindi ako matulog dito, alam mo na kung saan tayo mauuwi." "Bakit kasi dito ka matutulog? Napakaraming silid sa bahay na 'to, Wael." "Move a little," utos nito na isiniksik ang katawan sa kanya. Wala nga talaga itong balak lumabas sa silid. Tumagilid siya para talikuran si Wael. Isiniksik naman nito ang katawan sa kanya. Pilit niyang iniignora ang matigas na bagay na tumutusok sa pang-upo niya. Hindi nga lang niya alam

