Sa halip na maagang nagising ay tinanghali nang pagdilat ng mata si Ivy. Nauna pa ngang nagising ang anak sa kanya. Wala na sa tabi niya si Wael dahil mataas na ang sikat ng araw. Niyakap niya si Ivan saka nakipagkwentuhan sa anak ng ilang minuto. Ang sabi nito'y aalis daw siya at si Wael kaya't kailangan na nitong maligo. Siguro ay tinuruan ni Wael ang anak kung ano ang sasabihin sa kanya paggising. "There you are," narinig niyang wika ni Wael nang bumukas ang pinto ng silid. "Bakit hindi mo 'ko ginising nang maaga?" "I promised you you'll have a goodnight's sleep. Nasaan naman ang puso ko doon kung maaga kitang ginising lalo na't ako ang dahilan ng puyat mo?" "May pasok sa opisina. Anuman ang mangyari, kailangan nating sumulpot doon nang maaga," katwiran niya. "At ano na lang ang

