Nagising si Ivy nang makarinig ng kaluskos sa paligid. At dahil madilim ang silid, anino lang ang bumungad sa mga mata niya. Hindi niya alam kung anong oras na. Hindi rin kasi niya namalayan na nakatulog din siya habang pinapatulog ang anak na si Ivan. Lumakad ang anino sa kinaroroonan niya. Nagdalawang isip pa siya kung babangon ba o ipipikit ulit ang mga mata. Bago pa siya makapag desisyon ay umupo na si Wael sa gilid ng kama. "Bakit hindi ka matulog ulit?" pabulong nitong tanong na yumuko pa talaga para ilapit ang mukha. "What time is it?" Hinanap niya ang orasan sa silid para mawala ang atensyon niya sa nakakabagabag na amoy ni Wael. The masculine scent of his perfume and the scent of his breath were like a poison. Lalasunin ang puso at isip niya para makagawa siya ng kasa

