"Are you sure?" tanong ni Wael na itinukod pa ang dalawang kamay sa mesa dahil wala pang balak umalis sa tabi niya. Kailangan niya ng maraming lakas ng loob para ignorahin ang mga damdaming nag-uunahan sa dibdib niya. "Uhum... First, Ivan is a male name." "But it means "a gift". "Kahit na. Baka hindi bumagay sa feminine side ng ilalabas nating mga koleksyon sa mga susunod na araw." "You are right. Kaya nga siguro Tiffany ang naisip kong ipangalan noon. The name itself is sexy. And elegant. And desirable." Halos bulong lang ang pagkakabigkas ni Wael. Kulang na lang ay ilapit nito ang mga labi sa tainga niya. "So, Sweet Tiffany it is. Hindi kailangang magpalit ng brand. Dadagdag pa sa gastusin ng kompanya kung magpapalit tayo ng logo, boxes, paperbags and everything." "If that's wha

