"Hindi ko pa rin mapaniwalaan ang sinabi mong si Wael ang totoong may-ari ng kompanya, Ivy. How can you have overlooked this thing? Pumasok ka sa kompanya na hindi mo alam kung sino ang mga shareholders?" tanong ng kapatid niyang si Allen. "Hindi ko nga alam. Malay ko bang ang taong iniiwasan ko pa ang may-ari ng kompanyang binili ko? And all those excitements I had are all gone. Gusto ko na lang umalis ulit ng Pilipinas para takasan ulit si Wael. I don't want to work with him." "E di bumalik ka na lang dito sa Amerika? I'm sure you'll find another way to live your dreams." "I can't..." Hindi rin niya alam kung bakit napapayag siya ni Wael na manatili sa kompanya. "I said yes when Wael offered me something I can't refuse..." "Oh... Don't tell me you're going back to him." "O

