Chapter 17

1322 Words

"Lumipat ka na ng tirahan?" tanong ni Wael nang sabihin niyang sa Shaw Boulevard na sila nakatira ngayon. Nakahinto pa lang ang sasakyan at wala pa yatang balak ang binata na paandarin iyon. Naka tatlong kopita siya ng red wine sa dalawang oras na meeting nila. Sanay pa naman siyang uminom ng alak. Pero matapang lang talaga ang nakahain kanina kaya't pakiramdam niya'y gusto niya nang matulog ngayon. "Yes. I found a bigger apartment. Masyado kasing maliit 'yung condo ng kaibigan ko," pagdadahilan niya. Kahit paano ay nagagawa pa naman niyang humabi ng kwento. Sadya lang talagang inaantok siya. Pero sumagi pa sa isip niya na hindi dapat makita ni Wael ang anak niya. "Let's go then. Hindi kita hahayaang mag-commute kasi nakainom ka. I need to make sure you're safe." "Sinabi kasi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD