Paggising ni Ivy kinabukasan ay mabigat pa rin ang pakiramdam niya. Na dapat ay hindi dahil dadating si Harry sa Sabado para makasama siya. Pag-uusapan nila ang kasal. Dapat ay si Harry ang nasa isip nya buong gabi at paggising niya sa umaga. Pero bakit si Wael ang hindi mawala sa sistema niya? Iniisip niya ngayon kung paano haharapin ang binata pagkatapos niyang tumugon sa halik nito kagabi. Kapag alak talaga ang pumasok sa katawan niya'y hindi niya na alam kung paano tatanggi sa pang-aakit ni Wael. Kaya dapat ay hindi na siya iinom kahit kailan. Alas diyes ng umaga na siya pumasok sa opisina dahil hinintay niya munang magising ang anak. Hindi na siya nito nahintay na makauwi kagabi dahil ginabi siya sa meeting nila ni Wael. Mamaya ay aagahan niya ulit ng uwi para na rin makaiwas sa bi

