"It's nice to see you again, honey." Yumakap si Harry sa kanya nang salubungin niya ito sa airport. "Hi, munchkin." "Daddy Harry," nakangiting bati naman ni Ivan kay Harry. Umakbay ang kasintahan sa kanya saka inangkin ang mga labi niya. Hindi niya alam kung bakit sumagi sa isip niya si Wael at ang mukha nitong tila iiyak. "I miss you..." Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya. "I miss you too... How was your flight?" "Oh, not so good. We've waited too long for the landing because runway was busy. And my baggage took too long to arrive too." Bumuntunghininga ito na naroon ang inis. "I'm so sorry. Let's go home so you could rest." "You don't have a car?" tanong nito nang makitang papunta sila sa Taxi Bay. "I haven't had the time to buy one." Naalala niya ang kotse

