Kanina pa naghihintay si Wael sa venue ng pagdarausan nila ng kasal. Nakahiwalay ng silid si Ivy na ngayon ay kasama ni Gia at Yana para sa pag-aayos ng makeup nito at isusuot na wedding gown. Hindi siya mapakali. Kahit alam naman niyang pakakasalan siya ni Ivy kahit anong mangyari ay mabilis pa rin ang t***k ng dibdib niya ngayon at hindi niya maiwasang kabahan. "Relax, bakit para kang hihimatayin?" tudyo ni Samir sa kanya. Katabi niya ang dalawang kapatid habang nakatayo siya sa mini-altar na naka-setup sa venue. "Sigurado naman akong ganito rin kayo noon," pagtatanggol niya sa sarili. "Matagal pa ba silang bababa? Tawagan mo nga si Gia." "Naliligo pa lang daw si Ivy," biro ni Raji. "Puwede ka pa nga raw umidlip eh." "Umidlip? Kanina pa nga parang maiihi sa kaba, pa'no i

