Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Ivy kay Wael nang magyaya ang asawa na lalabas sila ng hotel. It was supposed to be their honeymoon. Pero walang ginawa si Wael kung hindi alalahanin ang pinagsamahan nila noong mga high school at college pa sila. Si Ivan ay naiwan muna sa pangangalaga ni Samir at Gia para magkaroon sila ng panahon sa isa't isa. "Kailan ko ba sinabi sa 'yo kung saan tayo pupunta?" nakatawang sagot naman ni Wael. "Isn't it abvious I love surprising you?" "Hindi ka na naubusan ng sorpresa. Yung kasal nga natin, ni isang detalye wala akong alam. Paanong nangyari na isang intimate civil wedding ang nangyari kagabi gayung halos dalawang daan ang bisita natin?" "Siniguro ko lang na lahat ng close friends and relatives natin naroon. Didn't you enjoy last night?" "Oh,

