"The sky is so beautiful..." bulalas niya nang matanaw ang naghahalong kulay lilac at rosas. Hindi niya maalala kung kailan niya huling nasilayan ang paglubog ng araw. At ngayong kasama pa niya si Wael, mas lalong naging espesyal sa kanya ang masilayang muli ang ganda ng langit sa pagtatakip-silim. "As beautiful as you..." sagot naman ni Wael habang nakatanaw din sa papalubog na araw. "Thank you for bringing me here. Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko na huwag ka nang bumili ng yate," biro niya sa asawa. "This is so worth it. "Huwag mo akong hamunin ng ganyan." "Kasi bibilhan mo ako ng yate?" "Kasi wala nang pambili ang asawa mo," nakangiti nitong wika na ikinahalakhak niya. "I won't, don't worry. Mas practical pa rin akong asawa." "Kinabahan ako nang kaunti. Buti n

