Nakasimangot pa rin si Ivy nang sumakay sa kotse. Nahimasmasan naman si Wael at napagtanto niyang mali siya kanina. Hindi nga naman ganoon kadaling kumalas sa karelasyon lalo na't ikakasal na dapat ang dalawa. Gayunman ay hindi niya hahayaang mangyari 'yun. Lalo na't hindi lang kinabukasan ni Ivy ang nakataya kung hindi pati ng anak niya. Ivy admitted she loves him. Malaki ang pag-asa niyang mabawi ito kung ang pagbabasehan niya ay ang nakitang pagtugon ni Ivy sa halik ni Harry kanina. Halos ayaw nitong tumugon. At kahit parang tinurukan siya ng kutsilyo sa dibdib kanina nang may lalaking humalik sa babaeng mahal niya, tiniis niya ang sakit para makita kung totoong mahal ni Ivy ang Amerikanong hilaw na 'yun. Iba ang nakita niya. Hindi ganoon ang pagtugon ni Ivy sa mga halik niy

