"Hindi mo ba masyadong pinapahirapan ang sarili mo?" nag-aalalang tanong ni Samir nang magkita sila sa bahay dahil inuwi niya si Ivan doon. Nalaman nito na dumating ang fiancè ni Ivy. Sinabi niyang nagkita sila ng lalaking 'yun sa apartment ni Ivy at ito ang nagbigay ng pahintulot na kuhanin niya ang anak ng isang linggo. "No. I would do everything to fulfill my dream for my son to have a complete family, kuya." Umupo siya sa bakal na upuan sa hardin sa tabi ng pool. Naroon din ang anak niya na kalaro naman ng anak ni Samir at Gia sa playground. "Pero ikakasal na si Ivy at hindi mo na mapipigil 'yun." "She admits she still loves me. Bakit siya magpapakasal sa lalaking 'yun?" "Because she finds comfort in him?" Si Gia ang sumagot na nakalapit na pala nang hindi niya namalayan. Tumabi it

