Kanina pa hindi mapakali si Ivy at patingin-tingin sa orasan. Naiinip na siya at gusto nang umuwi. Kung bakit kasi nakilala pa ni Harry ang may-ari ng coffee shop na ito sa isang mall. Napahaba tuloy ang pag-stay nila doon gayung dapat ay kasama siya sa pamamasyal nila Wael at Ivan. At hindi na rin niya alam kung gusto pa niyang magpakasal kay Harry. Habang namamasyal sila kanina ay wala itong bukambibig kung hindi ibigay na lang kay Wael ang kustodiya ng anak niya kapag nakasal na sila. Kung noon pa ito hindi nagpakita ng interes kay Ivan ay hindi na sana sila nag-aksaya ng panahon sa isa't isa. Kung may gusto man siyang pakasalan at makasama habangbuhay, iyon ay ang lalaking tatanggap nang buong puso sa anak niya. "This coffee shop has a potential, hon. I could bring my coffe

