Nickolas Katatapos lang nila mag-usap ng Dad niya at katulad ng dati ay hindi maganda ang kinalabasan dahil nagkasagutan na naman silang dalawa. Pinipilit pa rin kasi nito ang position na dapat ay matagal na niya inokupa. Ilang beses na rin niya sinabi rito na wala siyang plano na tanggapin iyon. May sarili siyang kumpanya at mga negosyo na inaasikaso. Dapat ay paalis na siya kanina pagkatapos ng ceremony pero nakiusap si Cristy sa kanya na mag-stay siya at pinagbigyan niya ito. Ngayon ay nagsisisi tuloy siya kung bakit nag-stay pa siya. "Now I need a drink," sabi niya bago pumunta sa bar. Napatingin siya sa paligid at nakita niya na ang lahat ay nagkakasiyahan. Sumasayaw si Cristy at Vincent sa dancefloor, kitang-kita sa mga mata ng dalawa ang kakaibang kislap at saya. Naisip tuloy

