Nicholas Nang tanungin niya ito kung pwede ba sila pumunta sa ibang lugar ay pumayag ito. Ito pa nga ang nag-suggest ng Bar na pupuntahan nila. Habang nasa biyahe ay wala silang imikan na dalawa. Sinusulyapan niya ito habang nakatingin ito sa labas ng salamin. Napansin niya ang lungkot sa mga mata nito at hindi niya maintindihan kung bakit apektado siya sa nakikita niya. "Ano bang mayroon ang babaeng ito at ganito na lang ang nararamdaman ko?" tanong niya sa sarili at binalik niya ang attention sa kalsada. "You haven't told me your name?" tanong niya pagkalipas ng ilang minuto na katahimikan. Bigla kasi niya naalala na mula pa kanina hanggang ngayon ay hindi pa nito nabanggit ang pangalan nito. Napatingin siya rito ng bigla itong tumawa. Nakakunot ang noo na nakatingin siya rito ha

