Elizabeth Naalimpungatan siya nang maramdaman na may brasong mahigpit na nakapulupot sa bewang niya. Ang bigat ng pakiramdam niya kaya hindi na niya nagawa na imulat ang mga mata. Hindi na niya nakuhang sitahin si Gem na lumipat sa kwarto nito at hinayaan na lang itong matulog sa tabi niya. "Nag-away na naman siguro sila ng jowa niya," sabi niya sa sarili habang nakapikit at natulog na ulit. Super close sila ng kapatid niya at kapag may problema ito o may dinaramdam ay lagi itong natutulog sa kwarto niya. Sila na lang dalawa ang naiwan dahil parehas na yumao ang magulang nila noong nasa college sila nito. May mga times na hindi sila nagkakasundo ni Gem pero hindi naman tumatagal ay nagkabati rin sila dahil hindi nila kayang matiis ang isa't isa. Naging sandalan nilang magkapatid ang i

