Chapter 6 - The only exception

2068 Words
Elizabeth Ilang linggo na lang ay ikakasal na si Cristy at ang soon to be husband nitong si Vincent. Hindi siya makapaniwala na despite their busy schedule they still manage to plan Crity's wedding. Throughout the preparation of the wedding ay nakita niyang inlove na inlove ang dalawa at minsan nga ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng inggit sa mga ito. May kakaibang kislap sa mga mata ng dalawa sa tuwing nagkakatinginan ang mga ito. Masayang masaya siya para kay Cristy dahil nakikita niya na masaya ito. Ganoon nga talaga siguro, may mga taong masuwerteng nakahanap agad ng taong para sa kanila at may mga tao rin naman na hindi pa natatagpuan or worst ay hindi na natagpuan ang taong para sa kanila. Tanggap naman niya sa sarili na maliit ang chance na mahanap pa niya ang taong para talaga sa kanya for God sake tumatanda na siya and soon ay wala na ang edad niya sa kalendaryo. Nangako naman sila sa isa't isa ni Gem na kahit anong mangyari ay magkasama sila hanggang sa pagtanda. Kahit paano ay kampante siya kung sakali na dumating man ang panahon na hindi nga niya mahanap ang taong para sa kanya. Nasa lahi pa naman sa mother side nila ang pagiging soltero at soltera. Kasalukuyan silang nasa isang bridal shop para sa final fitting ng gown ni Cristy. Ang original plan ay ang kapatid nito ang kasama nito para makita ang gown nito pero mukhang hindi pa rin ito nakarating sa Pilipinas. Nabanggit nito na nagkaayos na ito at ang Kuya nito pero halata na malungkot pa rin ito. Kahit pa nga may mga dapat siyang aasikasuhin sa araw na 'yon ay mas pinili niya na samahan ito dahil alam niya na mas kailangan nito ang suporta. "Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala Ate Ellie na never ka umattend ng wedding ng mga client ninyo as in NEVER," gulat na sabi nito habang sinusuot ang gown at napabuntong hininga lang siya. Mula nang mag-umpisa ang business nila ay never pa siya umattend ng mismong kasal ng mga client nila. Tanging sa kasal ng tatlong kaibigan pa lang niya ang napuntahan niya dahil kasama siya sa entourage. Sa kasal ng tatlo niyang kaibigan ay masasabi na napilitan lang siya. Ewan ba niya pero hindi siya komportable na panoorin ang buong ceremony ng kasal kaya naman sa reception na lang siya pumupunta. Siguro dahil na rin sa ayaw niya na makaramdam ng kung ano-anong emotion during the wedding. Iyon kasi ang nararanasan niya nang umattend siya ng kasal ng mga kaibigan niya. "Cristy, paulit-ulit?" yamot na tanong niya rito dahil pang apat na beses na nito nasabi iyon. Nabanggit kasi niya na sa reception na lang sila magkikita nito dahil hindi siya pupunta sa simbahan. Sinabi naman niya na magkikita pa rin sila bago ito ihatid sa simbahan at pagkatapos ng ceremony nito. "Hindi ko lang kasi ma-gets, biruin mo isa ka sa mga tumutulong para matupad ang mala fairytale na wedding na hinahangad ng bawat babae. Iyong iba nga gustong-gusto nila makita ang resulta pero ikaw, ayaw mong makita kung ano ang kinalabasan? Ano 'yon?" curious na tanong nito at napailing na lang siya. "Pwede bang huwag mo ng gawin na malaking issue ang bagay na 'yon at saka hindi naman ako kawalan kung hindi man ako pumunta sa simbahan. Iyong ceremony lang naman ang hindi ko nakikita pero iyong preparation at iyong nagaganap sa reception ay nandoon ako. Tumutulong lang naman kami na I-organize ang event hindi naman sa samin nanggaling ang lahat ng idea. Makikita ko pa rin naman na successful ang event kahit hindi ako pumunta sa simbahan. So stop making a big deal out of it," sabi niya at tiningnan ito sa salamin. "Sabagay tama ka naman Ate," sabi nito. Napakaganda talaga nito natural ang kagandahan at hindi na kailangan ng kung ano mang kolorete para mapansin. Kahit simple lang ang cut ng damit nito ay lumutang pa rin ang pagka-elegante at kagandahan ni Cristy. Maganda ito inside and out kaya naman napalapit ito sa kanya. Napakaswerte ni Vincent dahil napakabait at mapagmahal na tao si Cristy. "You look so beautiful Cristy napakaswerte ni Vincent," puri niya rito at napansin niyang pinipigilan nito ang umiyak. "Ako ang swerte Ate Ellie sa kanya kasi napakabait ni Vincent at mahal na mahal niya ako kahit pa nga lukaret ako at loka-loka ako. Lagi niyang pinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal at kahalaga. He always make me feel safe and special. Kapag kasama ko siya I feel complete," puno ng pagmamahal na sabi nito at napapangiti rin siya. Bigla niyang naalala si Roy ang Ex-boyfriend niya na buong akala niya ay makakasama niya hanggang sa pagtanda. Nangarap siya noon na ito ang lalaki na naghihintay sa kanya sa altar at mangangako ng pag-ibig na walang hanggan. Naramdaman din naman niya na mahal siya nito pero kung iisipin niya ngayon ay hindi katulad ng pagmamahal niya para rito. Narealize niya na halos ginawa na niya ang lahat para mag-work ang relationship nila. Sa sobrang pagmamahal at tiwala niya rito kaya sobra-sobra rin ang sakit na nararamdaman niya nang lokohin siya nito. "I'm so happy for you dahil nahanap mo na 'yong taong makakasama mo habang buhay at mamahalin ka. Kaya kailangan ay maging mature ka na dahil hindi biro ang pag-aasawa pero sa nakikita ko naman ay mahal na mahal ninyo ang isa't isa kaya sigurado akong magiging masaya kayo," masaya niyang sabi rito at tumango-tango ito. "The best ka talaga Ate kasi lagi kang nandiyan para sa akin mula pa noon hanggang ngayon. Maraming salamat dahil itinuturing mo ako na kapamilya mo at never mo akong iniwan. I'm so thankful kasi nakilala kita Ate at mahal na mahal kita," sabi nito at napangiti siya. Kung alalahanin niya ang mga panahon na kasama niya ito ay nagpapasalamat din siya rito. Napakabuti nitong tao at marami siyang natutunan dito. Marami silang masasaya na memories na hindi niya makakalimutan kahit kailan. Hindi niya maiiwasan na hindi maging emotional dahil nakababatang kapatid na ang turing niya kay Cristy. Ang makita itong masaya ngayon ay kaligayahan na rin niya. "Huwag kang mag-alala darating din si Mr. Right natraffic lang 'yon somewhere kaya medyo natagalan," pagbibiro nito at pinahid ang luha niya na hindi niya namalayan. "Kung na traffic man siya kung saan man ay doon na lang siya kasi malapit ng ma-expire ito," natatawa na sabi niya at itinuro ang puso niya. "Sigurado ka ba na puso mo lang ang ma-eexpire? Naku Ate, ikaw din baka inaagiw na 'yan at tuluyang masira," biro nito at tiningnan niya ito ng masama. "Bastos 'tong batang ito ah. Hindi porke't ikakasal ka na Christina ay pwede ka ng magsalita ng ganyan sa akin," kunwari ay galit na sabi niya rito at tumawa ito ng malakas. "Ano naman ang masama sa sinabi ko normal lang naman 'yon. Unless?" nakakunot ang noo na sabi nito at bigla siyang umiwas ng tingin. "Ewan ko sa 'yo," sabi niya at tiningnan ang damit nito mula sa likuran. "V ka pa rin, Ate? Seryoso?" hindi makapaniwala na tanong nito sa kanya at naitirik niya ang mga mata dahil sa tanong nito. Nang maghiwalay sila ni Roy ay iyon agad ang naisip niyang dahilan kung bakit mas pinili nito si Ericka kaysa sa kanya. Nang sabihin nito na malamig siya at walang emosyon sa katawa ay iyon agad ang unang pumasok sa isip niya. Ilang taon na sila ni Roy pero hanggang kiss at hug lang ang nagagawa nila. Minsan na rin silang muntik na matukso pero nakapagpigil siya. Ilang araw din siyang hindi kinausap ni Roy dahil doon, ipinaliwanag niya rito na gusto niya iyon ibigay sa tamang oras at pumayag naman ito. Buong akala niya ay totoong naintindihan siya nito pero nagkamali siya. "Perfect fit. You really look beautiful in that dress," nakangiti na sabi niya rito. "Can you make an exception about not coming to the wedding? I really want you to be there. By the way I'm not your client and I'm your younger sister remember so it means we're family," katwiran nito at tinitigan niya ito. Hindi talaga niyang kaya na tumanggi kapag ang mahal niya sa buhay ang humiling. Well, iniisip din niya ang sinabi nito at may point ito dahil kapatid naman talaga ang turing niya rito so dapat lang na umattend siya. "Okay fine you win pupunta ako para makita kang umiiyak dahil goodbye na sa single life mo. Para makita ko na rin 'yang kuya mo na lagi na lang bukang bibig mo na akala mo naman ay anak ng diyos kung I-describe mo," sagot niya at nagtatalon ito sa tuwa. "Pero infairness Ate, I think bagay na bagay kayo ng Kuya ko kaso nga lang," sabi nito at biglang natigilan. "Kaso lang?" curious niyang tanong. "I'm not saying na hindi mabuting tao ang Kuya ko kaso from the past few years he been with so many girls because he don't like commitment. Nabanggit ko sayo before na hindi pa siya nagkaroon ng seryoso na karelasyon. Pero I think if he meet you Ate everything will change and who knows you will be my soon to be "sister-in-law," puno ng excitement na sabi nito. Ewan niya pero bigla siyang nangilabot sa sinabi nito. Paano nito nasasabi ang bagay na 'yon samantalang hindi pa naman sila nagkikita ng Kuya nito. At base sa mga sinabi nito ay mas lalong impossible ang iniisip nito dahil baligtad ang gusto nila. Gusto niya ng relasyon na may kasiguraduhan, seryoso at walang bahid ng kasinungalingan. Gusto niya ng commitment na ayaw naman ng kapatid nito. "Ano ka ba Cristy for sure hindi ako ang tipo ng Kuya mo and not to mention na magkasalungat kami ng gusto sa isang relationship kaya malabo 'yang iniisip mo," sabi niya rito. Well ang totoo ay curious talaga siya kung ano nga ba ang itsura ng Kuya nito dahil mula noong umpisahan nila ang preparation ng wedding nito ay lagi na lang nito nababanggit ang taong 'yon. Nahihiwagaan siya dahil base sa mga kwento ni Cristy ay mukhang wala naman deperensya ang Kuya nito. Naisip lang niya na baka naman kasi adonis din ang hanap niya o baka naman bisexual siya. Dahil siya alam niya ang dahilan kung bakit siya single hanggang ngayon at dahil may problema siya sa maraming aspeto na hindi na niya matukoy. "Hindi kaya kalahi 'yon ni Gem?" natatawa na tanong niya. Nakita niya na biglang napaisip si Cristy at lalo siyang natawa sa reaksyon nito. Umiling kasi ito ng umiling na para bang hindi nito matanggap ang ideang 'yon. Sa panahon kasi ngayon hindi naman lahat ng straight ay straight talaga kasi ang iba ay ayaw lang na lumantad which is understandable. Dahil sa hindi maiwasan ang discrimination kaya ang iba ay mas pinipili ang magtago. Unfair man dahil lahat naman ay pantay-pantay pero may mga tao pa rin kasi na hindi open minded sa bagay na 'yon. Like sa nangyari kay Gem tanggap siya ng parents nila pero marami sa kamag-anak nila ang lumalayo at kung ituring si Gem ay daig pa ang may nakakahawang sakit. "Nooooo Waaaaaay Ate, as in capital NO WAY. Hindi naman sa sinasabi kong hindi ko siya matatanggap kung sakali na ganoon nga siya pero malabo maging ganoon siya. I mean ang dami ng babae ang nakasama niya ayaw lang talaga niya ng attachment at commitment. Na trauma lang talaga siya," kumbinsi nito sa kanya at natawa na lang siya. "Okay, sabi mo eh," natatawa na tugon niya rito at tiningnan siya nito kaya lalo siya natawa. "I'm one hundred percent sure na straight siya," sabi nito at tumango-tango lang siya. "So Ate confirm na 'yan pupunta ka na sa kasal ko," pagbabago nito sa usapan. "Pumayag na ako kanina hindi ba? As if naman na may magagawa pa ako? Knowing you alam kong hindi mo ako titigilan," nakangiti na sagot niya rito at tumatalon ito sa tuwa. "Thank God at napapayag din kita hindi ko na kailangan na kaladkarin ka pa para lang umattend sa kasal ko," natatawa na sabi nito at nakangiti napapailing siya. "Magpalit ka na nga at may iba pa tayo na pupuntahan." Utos niya rito at tumango ito bago bumalik sa dressing room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD