Elizabeth
"This is it Besty, the most special day of your life. The day you been dreaming on and wished for. The day you said goodbye to your single life. I'm partly sad but I'm very happy for you, Besty," emosyonal na linya ni Gem at nakita niya na pinipigilan ni Cristy ang maiyak habang nakatingin sa bestfriend nito.
"Tigilan mo nga iyang drama mo Gem, paiiyakin mo naman si Cristy niyan," saway niya rito at tinulungan niya na tumayo si Cristy.
"Thank you guys for being here with me in the most special event in my life. Thank you so much for helping me in every step and to make this day possible. This will be one of the most memorable and unforgettable days in my life because I have you all here. I'm so excited dahil sa wakas ay magiging isa na kami ng soulmate ko. Hindi na ako makapaghintay na gumawa ng mga memories kasama siya," masayang sabi nito sa kanila.
Umiwas siya ng tingin at nagkunwari na abala sa pag-aayos ng mga brush na ginamit ni Gem para pigilan ang luha na nagbabadya na lumabas mula sa mga mata niya. Ayaw niya na mahawa ito sa pagiging emosyonal niya dahil gusto niya na maging masaya lang ito.
"Indeed, we are also happy to be here with you and witnessed this day be memorable for you," sabi ni Maricon at niyakap nito si Cristy.
"We are very happy to help you our little sister and we wish the both of you happiness," sabi naman ni Mila at niyakap din ang bride.
"Walang iiyak ha!" banta ni Cristy habang tinuturo silang apat at nagkatawanan sila.
Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng inggit sa nakikita niyang kasiyahan sa mukha nito. There is a certain glow in her face na hindi niya ma-explain pero bakas sa mga mata nito ang sobrang kaligayahan. Isa rin 'yon sa mga dahilan kaya ayaw niya na makakita ng bride. Three years ago ay nangarap din siya na makapaglakad sa aisle papunta sa altar kung saan ay nag-aantay ang taong inaakala niya na makakasama niya habang buhay. Pero hindi na 'yon nangyari dahil nasira na nito ang pangarap na 'yon. Hindi tinupad ng lalaking iyon ang pangako na sila hanggang sa huli. Kahit paano ay nagpapasalamat pa rin siya dahil nalaman niya na hindi pala sila ang para sa isa't isa. Masakit man sa una pero ngayon ay okay na siya.
"I'm so happy for you Cristy and I wish you all the best," bati niya rito at niyakap siya nito ng mahigpit.
"Thank you so much, Ate Ellie," bulong nito habang magkayap sila.
Hindi na niya mapigilan ang maging emosyonal sa oras na 'yon at ramdam niya na pinipigilan din ni Cristy na mapa-iyak. Parehas silang sumisinghot nang maghiwalay mula sa pagkakayakap at natawa ng abutan sila ni Gem ng tissue.
"Hay naku, puro drama na tayo stop na natin ito at baka bumaha na ng luha rito. Buti na lang at waterproof ang ginagamit ko girl kung nagkataon —," sermon ni Gem sa kanila.
"Maam, ready na po ang lahat Bride na lang po ang hinihintay," putol ni Aiza sa usapan nila at nagkatinginan sila ni Cristy.
"Tara na nga at baka mainip na ang groom maghanap na iyon ng iba," pag-aakit ni Maricon kay Cristy at inalalayan ito ni Mila.
Unang lumabas ang bride at sina Maricon kaysa sa kanila ni Gem. Tutulungan pa kasi niya itong mag-ayos ng mga gamit at saka may sasakyan naman sila. Usually, si Maricon talaga ang kasama ng bride mula sa hotel hanggang sa venue ng kasal, si Mila at Han ay sa simbahan at siya naman ang sa reception in-charge. As much as possible pinipilit nila na maging visible sa event na organize nila. Pagkatapos nilang asuyin ang mga gamit nito ay nagulat siya ng bigla nitong kinawit ang braso nito sa braso niya. Nagtataka na napatingin siya rito nang mapansin ang kakaibang ngiti nito at pagkagat nito sa ibabang labi.
"Sister, nakita mo na ba ang Kuya ni Besty? Grabe, makalaglag —
"Gem, ang bibig mo baka may makarinig sa 'yo," saway niya rito bago pa nito matapos ang sasabihin saka tumingin sa paligid.
Pumunta ang kapatid ni Cristy sa kwarto nito kanina pera hindi nila ito naabutan dahil umalis din agad. Pagdating nila ay sakto naman na kakaalis lang ng Kuya nito. May mga kasama pa silang ibang tao sa loob ng kwarto kaya sinaway niya ang kapatid. May pagkataklesa talaga si Gem at wala itong pakialam kung ano ang lumalabas sa bibig nito as long as hindi ito nakakapanakit ng iba. Alam na niya ang kasunod na sasabihin nito kaya bago pa ito matapos sa sasabihin ay pinigilan na agad niya.
"Correction, makalaglag panga po ang sasabihin ko Sister napaka-green mo talaga kahit kailan," natatawa na sabi nito at napailing lang siya.
"Pero walang halong biro, ang gwapo talaga niya Sis pang artista ang peg. Wait, mali ako mas pang modelo ang datingan ni Kuya. Ang ganda kasi ng katawan niya, ang lapad ng balikat, ang ganda ng tindigan niya na para bang modelo ng underwear at ang super hot niya. In short, super yummy niya Sister at nakakapag-laway. Mabait din siya, gentlemen at ang sweet niya," paglalarawan nito at natatawa na lang siya.
"Wow! Grabe naman sa description ah. Close kayo?" panga-asar niya rito saka tinggal ang braso nito.
"Alam mo Sis, hindi ko kailangan maging close sa kanya kasi isang tingin ko palang ay alam ko na kung check o chaka. Promise, kapag nakita mo siya for sure malalaglag din 'yang ano mo at 'yang ano mo," turo nito sa may mukha niya at sa may babang parte ng katawan niya habang tumatawa.
"Puro ka talaga kalokohan Gem. Tara na nga at baka ma-late pa tayo," sabi niya rito at umalis na sila sa hotel.
Pagkadating nila sa simbahan ay nandoon na lahat ang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak ng both side. Nakilala na nila ang mga magulang ni Cristy kahapon at ang kay Vincent naman last week. Parehas na abala ang mga ito dahil sa mga negosyo. Maganda ang arrangement ng simbahan simple lang pero elegante ang dating. Hindi naman masyado marami ang bisita dahil gusto ng couple na maging intimate ang ceremony nila. Saglit na naghiwalay sila ni Gem para batiin niya ang ibang bisita.
Nakita niya ang mga magulang ni Cristy kaya nilapitan niya agad ang mga ito para batiin. Niyakap siya ng mahigpit ng ina ni Cristy na si Tita Celeste. Kahit paano naman ay naging close rin siya sa mga ito dahil everytime na wala ang mga ito ay sa kanya binibilin si Cristy.
"Hello po, Tito at Tita," magalang na bati niya sa mga ito.
"Your look so gorgeous as ever and sexy, Darling." Puri sa kanya ni Tita Celeste habang tinitingnan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Tita naman hindi mo na po kailangan sabihin 'yan dahil alam ko na po 'yan," biro niya rito at tumawa ang mga ito.
"Totoo naman talaga iha. Hindi ko nga maintindhan kung bakit single ka pa rin hanggang nayon. Masyado ka sigurong mapili dahil napaka-imposible naman na walang umaaligid sa 'yo," sabi ni Tito Mike.
Napasimangot siya bigla dahil narinig na naman niya ang salitang "single". Ganito ba talaga kapag malapit ng mag-birthday lagi na lang may nagtatanong at nagpapa-alala.
"If it's okay with you Ellie, I can set you up sa anak ng mga amiga ko," nakangiti na sabi ni Tita Celeste at napailing siya.
"Hindi na po kailangan dahil okay lang po ako at saka mas masaya po kapag single walang hassle at commitment. Busy rin naman po ako sa work kaya mas okay na po na ganito," nakangiting sagot niya at ito naman ang umiling.
"Naku iha, iba pa rin talaga kapag kasama mo 'yong taong mahal ka at mahal mo. Mas makulay at masaya ang bawat oras," makahulugan na sabi ni Tita Celeste na mukhang in love pa rin sa mga oras na 'yon.
"Tara na po sa loob at malapit na pong magsimula," akit niya sa mga ito at baka kung saan pa mapunta ang topic nila.
Ang weird ng pakiramdam niya mula nang dumating sila sa simbahan. Para kasing may mga matang nagmamasid sa bawat kilos niya. Nagpalinga-linga siya sa paligid pero wala naman siyang nakikita na kakaiba. Pasimpleng tiningnan niya sandali ang suot niya pero wala naman siya nakikitang problema. Napaparanoid lang siguro siya kaya kung ano-ano ang na-iimagine niya dahil ngayon lang ulit siya naka-attend ng kasal.
"May hinahanap ka bakla?" tanong ng kapatid niya ng lapitan siya nito.
"Para kasing kanina pa may nakatingin sa akin, ang weird lang," alanganing sagot niya.
"Bakla, kahit sino ay mapapatingin sa 'yo ang ganda kaya ng pagkaka-make up ko sa 'yo. Para kang si Cinderella at ako naman ay si Fairy Gorgeous Mother. Nagmukha kang diyosa dahil sa aking mahiwagang brush. Kung tutuusin ay lamang ka nga lang sa akin ng isang paligo eh," paliwanag nito at napatawa siya dahil sa huling sinabi nito.
"Kaya mamaya paglabas natin ng simbahan iwan mo iyang isang shoes mo para makuha ni Prince Charming," sabi nito at tiningnan ang suot niya na sapatos.
"Baliw! Kung ano-ano ang sinasabi mo riyan. Hindi ako si Cinderella at walang Prince Charming na darating." Sabi niya at hinigit na niya ito papasok sa simbahan.
Puwesto sila sa may bandang gitna dahil hindi talaga siya komportable sa ganoong event. Nasa harapan lahat ang mga kaibigan niya kasama ang iba pang mga guest. Hindi naman tumutol ang mga ito nang sabihin niya na hindi siya uupo kasama ang mga ito. Sinamahan siya ni Gem kahit pa nga sinabi niya na roon ito pumuwesto malapit sa mga bisita. Nakakatawang isipin na isa siyang wedding planner pero hindi siya sanay umattend ng wedding.
"Ang swerte niya Sis, nahanap na niya agad ang soulmate niya. Inggit much ako, Sis," nakanguso na sabi ni Gem habang pinapanood nila ang ceremony.
"Sana ay mahanap na rin natin ang soulmate natin. Iyong makakasama ko sa hirap at saya. Hindi iyong sa saya ko lang nakakasama. Ipapakilala at ipagmamalaki ako sa lahat ng tao. Ipaparamdam ang kahalagahan ko. Hindi ko alam kung posible ba pero sana ay mayroon," sabi ni Gen na may bahid ng lungkot.
"Kaya ayaw kong umattend eh," sabi niya sa sarili dahil parehas sila nito ng nararamdaman sa oras na iyon.
Malapit ng magpalitan ng vow ang dalawa kaya nagdesisyon na siyang magpaalam kay Gem. Ayaw niyang marinig ang maramdaming speech ng dalawa dahil baka hindi na niya talaga mapigilan ang sarili na maiyak. At saka kailangan na rin niya pumunta sa reception to make sure na okay na ang lahat doon.
"Mauna na ako sa reception pasabi na lang sa kanila. Kailan ko pa kasing I-check ang mga food at iba pa," paalam niya rito at nagbeso bago umalis.
"Hay naku Sis ayan ka na naman eh. Umiiwas ka na naman," malungkot na sabi nito bago siya tumayo.
"Ang sabi ko kay Cristy aattend ako sa kasal niya pero hindi ko naman sinabi na kailangan kong tapusin ang ceremony," sabi niya at umiling lang ito.
"Lumipat ka na roon sa may unahan at alam ko naman na kanina mo pa gusto makita ulit 'yong kapatid ni Cristy. Kanina pa nagkakanda haba-haba 'yang leeg mo para kang sira," natatawa na sabi niya rito at tinapik nito ang kamay niya.
Alam nito na kapag hindi siya komportable sa isang bagay o lugar ay umiiwas na agad siya. Marami na ang nagbago sa kanya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya ganoon ka-confident sa sarili niya. Ewan ba niya pero pakiramdam niya she's not good enough kaya minsan ay kailangan pa niya ng second opinion sa mga ginagawa niya. Ang tingin tuloy ng ibang tao ay napaka-perfectionist niya. Pasalamat na lang sa kapatid at mga kaibigan niya na walang sawa na sumosuporta sa kanya.
"Sige na, magkita na lang tayo sa roon. Please lang Gem, huwag ka ng makipag-agawan sa bulaklak mamaya. Ibibili na lang kita 'yong nakatayo pa para mas maganda," paalam niya rito at tiningnan siya nito ng masama.