Nicholas
Kadarating lang niya kagabi at si Cristy agad ang una niyang tinawagan niya paglabas ng Airport. Alam niyang late na siya dahil dapat ay months ago pa siya nakauwi para tulungan ito sa preparation ng kasal nito. Nag-dinner sila sa Restaurant ng hotel kung saan siya naka-check in. Tuwang-tuwa ito nang magkita sila at sobrang na miss niya ito. Hindi sila masyado nakapag-usap dahil kailangan nito magpahinga ng maaga.
Today was his sister's wedding and he couldn't be glad to see her happy. There is a certain spark in her eyes that he never saw before. Masayang-masaya siya dahil sa wakas ay hindi na makakaramdam ng lungkot ang kapatid niya at may makakasama na ito. He tried his best to be always there for her particularly to those moments that she needed someone. He know that his best wasn't good enough because he still broke his promises. Alam niya na hindi nito madalas nakakasama ang pamilya nito kaya hangga't kaya niya ay gumagawa siya ng paraan para makasama ito. Sobrang proud at bilib siya kay Cristy dahil sa mga achievement nito na pinagpaguran talaga nito.
"Hey!" bungad niya sa pinto kung saan aayusan si Cristy.
Gusto niya itong makita at makausap bago ito pumunta sa simbahan dahil hindi na niya ito malapitan at makakausap mamaya. Pagkatapos naman ng ceremony ay aalis na rin siya dahil ayaw niya na mag-cross pa ang landas nila ng Ama niya. Tanggap niya si Cristy pero hindi ibig sabihin noon at napatawad na niya ang Ama niya. Hindi sang-ayon ang Auntie Ellena niya sa relasyon nila ni Cristy kaya hindi niya pinapaalam dito na may communication pa sila. Nang tawagan siya ng Ama niya last week ay sinabi niya na hindi siya sigurado kung makakapunta siya. Wala naman siyang narinig na iba pa rito.
"Come in," nakangiti na tugon nito at tumingin muna siya sa paligid bago tuluyang pumasok.
Napatingin siya sa kasama ni Cristy sa kwarto kaya medyo nag-alangan siya. Napansin siguro iyon ni Cristy kaya tumayo ito at nilapitan siya.
"Besty, this is my Kuya Nick," pagpapakilala nito sa kanya.
"Kuya Nick, this is my best friend Gem," sabi ni Cristy at ngumiti naman ang tinutukoy nito.
"Hi! I'm Nicholas De Angelo." Pagpapakilala niya at inilahad ang isang kamay niya rito.
"It's nice to meet you finally. I'm Gem Sandoval." Tugon nito at tinanggap ang kamay niya.
"Iwan ko na muna kayo Besty," sabi nito at nakangiti na tumango sa kanya bago ito tuluyang umalis.
Tumingin siya sa paligid at umagaw sa attention niya ang wedding gown nito. Pinagmasdan niya iyon mabuti. Simple lang iyon at elegante katulad ni Cristy. Nang nalaman niya na may kapatid siya imbes na magalit ay na curious siya rito. Pinuntahan niya ito at hindi niya napigilan na magpakilala rito. Hindi muna niya sinabi rito ang buong kwento pero hindi ito makapaniwala na magkapatid sila. Ilang araw ang lumipas at ito naman ang tumawag sa kanya. Umiiyak ito dahil nalaman nito ang buong katotohanan mula sa Mom nito. Imbes na magalit ay mas nanaig sa kanya ang protektahan ito at alagaan. Mula noon ay naging malapit na sila sa isa't isa kahit pa nga tutol ang Auntie Ellena niya. Hindi pa rin kasi nito natatanggap ang lahat ng nangyari sa Mama niya. Sinisisi pa rin nito si Dad at ang bagong pamilya nito sa lahat. Hindi naman niya ito masisi dahil saksi ito kung paano naghirap at nasaktan ang kapatid nito.
"I can't still believe that you are here Kuya. Akala ko talaga hindi ka na makakarating sa kasal ko," nakangiti na sabi nito at ngumiti rin siya.
"I told you I will come hindi man sa araw na ipinangako po pero at least I'm here." Sabi niya at tinapik ito sa balikat.
Umupo sila sa couch para makapag-usap bago pa dumating ang mga tao na mag-aayos dito. Wala na kasi siyang pagkakataon na makausap ito mamaya kaya samantalahin na niya ngayon.
"I understand Kuya, what matters is you're here on my special day," sabi nito.
"I want to say thank you," sabi nito pagkalipas ng ilang minuto na katahimikan at napatingin siya rito.
"For always being there for me. Wala ka naman talaga obligasyon sa akin at hindi mo rin ako responsibilidad pero lagi kang nandiyan para sa akin. I'm sorry because I keep demanding and asking for your attention. Kung hindi dahil kina Gem, Ate Ellie at sa 'yo I don't know what I will do with my life. You guys have been my support system and I'm so greatful.Mom and Dad also supported me but they were never really there for me emotionally. Since the day I met you Kuya you always been good to me and I'm so grateful to have you in my life," emosyonal na sabi nito at nakita niya na pinipigilan lang nito na umiyak.
"Don't say that because you are my little sister and it will stay that way no matter what. Maraming tao ang nagmamahal sa iyo specially now that you have Vincent. Remember that even you get married I'm still gonna be here for you. I'm just a phone call away." sabi niya at tinapik ang kamay nito.
"How long are you going to stay here? Bakit hindi ka na lang tumuloy doon condo unit na binili mo?" tanong nito habang pinapahid ang mata nito at napaisip siya.
Bago siya umalis ng Canada ay nagusap sila ni Jay ang Business partner niya. Ibinilan muna niya rito ang mga importanteng bagay dahil hindi pa niya masabi kung magtatagal ba siya. Plano kasi niya na mag-bakasayon ng ilang linggo para makapag-relax. Natuwa ito nang sabihin niya iyon dahil kahit ito ay laging sinasabi na he need a break. Hindi pa nga lang siya sigurado kung dito ba sa Pilipinas siya mag-stay o pupunta siya sa ibang karatig na bansa. It's been so long bago siya huling nagbakasyon at tama si Cristy he really need it. Ang huli pa niyang bakasyon ay noong nag-graduate si Cristy dahil ang request na regalo nito ay ang pumunta silang dalawa sa Japan.
"I don't know yet until when. I'm still thinking if I'll stay here or go somewhere else. If ever I decided to stay here I might stay there," sagot niya rito.
"It doesn't matter where you go at least you're taking a break from your busy schedule," nakangiti na sabi nito.
"Speaking of vacation, I have something for you and Vincent." Sabi niya at kinuha ang envelope sa coat niya.
"What's this?" nagtataka na tanong ni Cristy at sinenyasan niya ito na buksan iyon.
Two cruise tickets ang laman noon para sa honeymoon ng dalawa. Nanlaki ang mga mata ni Cristy halata na hindi makapaniwala. Napangiti siya dahil alam niya na gustuhan nito ang binigay niya. Tumingin ito sa kanya at umiling ng ilang beses. Tumango naman siya bago ito tumingin ulit sa hawak nito.
"Hindi ka na sana nag-abala pa Kuya," nakangiti na sabi nito.
"Anything for you," nakangiti na tugon niya.
"Thank you so much, Kuya." Sabi nito at niyakap siya ng mahigpit.
"Are you single right now?" tanong nito nang maghiwalay sila sa pagkakayakap at nagtataka napatingin siya rito.
"Why you asked?" tanong niya at ngumiti ito.
"Just asking," nakangiti na tugon nito at kakaiba ang pakiramdam niya sa tanong nito.
"I'm warning you Christina, don't try to be cupid on me. I already followed your advice to take a break but I didn't agree on having a love life," banta niya rito at tumawa ito ng malakas.
"Maraming single ladies mamaya at malay mo naman ay isa sa kanila ang magiging future sister-in-law ko. Nothing is impossible," natatawa na sabi nito at napailing lang siya.
"You don't have to worry about me Cristy. I'm okay and I enjoy being single," sabi niya rito at napatungo ito.
"Bago kami umalis ni Vincent I want to introduce you sa mga taong sobrang mahalaga rin sa akin," sabi ni Cristy.
"And please don't say no," pakiusap nito bago pa siya makapagsalita.
"They are all important to me Kuya. Sila ang kasama ko noong nag-aaral pa ako. Tinulungan at inalagaan nila ako kaya sobrang nagpapasalamat ako sa kanila. At saka if it weren't from them I don't know how this wedding will be," sabi nito at buntong hininga siya.
"Okay," sagot niya rito kahit hindi pa siya sigurado
"Excuse me Ma'am, nandito na po sila," sabi ng isang staff pagbukas ng pinto at nagkatinginan sila.
"I better go." Sabi niya saka tumayo at tumayo na rin si Cristy.
"I'm so happy for you my little sister." Bulong niya rito at yinakap ito ng mahigpit.
"I love you so much, Kuya," tugon nito at tinugon ang yakap niya.
"See you later?" tanong nito bago siya tuluyan lumabas at tumango lang siya saka lumabas na.