Chapter 9 - The face from the PAST

2041 Words
Elizabeth Masaya siya dahil so far ay okay naman ang lahat at masasabi niyang successful ang wedding ni Crystal. Nagkaroon man ng konting aberya pero nagagawan pa rin ng paraan. Isa lang naman ang goal nila, ang gawing masaya at memorable ang bawat ganitong event. Alam naman kasi nila na ito ang pinakamasayang bahagi ng buhay ng isang tao lalo na sa mga babae. Every girl wants to have their own dream wedding and they should have it. Pagdating ni Cristy sa reception ay agad siya nito pinagalitan dahil wala siya sa picture taking ng mga ito. Ipinaliwanag niya rito na kailangan niya pumunta sa reception para siguraduhin na okay ang lahat. Kasama niya sa table ang kapatid at ang mga kaibigan niya kasama ang partner ng mga ito. As always silang magkapatid lang ang walang kapartner na hindi na bago sa kanya. Well ang kapatid naman niya ay walang problema kasi madali itong makahanap kung gugustuhin nito pero kabaligtaran para sa kanya. Pero naisip niya minsan sinasadya talaga ni Gem na hindi magdala ng ka-date para hindi siya ma-ilang at ma out of place. Kadalasan ay binibigyan naman siya ng ka-date ng mga kaibigan niya este pinipilit pala siya na magkaroon para hindi awkward. "Another successful event for you guys, Congratulations," puri ni Philip ang asawa ni Hannah. "Thank you Philip, this won't be possible if we didn't help each other," sabi niya at tiningnan ang mga kaibigan. Kararating lang nina Hannah at Philip galing sa honeymoon ng mga ito. Nang banggitin niya kay Hannah ang tungkol sa kasal ni Cristy ay sobrang natuwa ito at na lungkot din dahil wala ito para makatulong sa kanila. Sinabi naman niya rito na kaya na nila at huwag ito mag-alala. Biniro na lang niya ito na maghanda ito ng regalo para sa newlywed. Buti na lang at nagkataon na ang date ng kasal ni Cristy ay araw din nang pagbalik ng dalawa. "Grabe, kitang-kita sa mukha nila ang sobrang kasiyahan at pagiging in love," sabi ni Hannah habang nakatingin sa dance floor. Kasalukuyan na sumasayaw ang bagong kasal at ang lahat ng bisita ay nakamasid sa mga ito. Tama nga ang kaibigan niya dahil bakas sa dalawa ang lubos na pagmamahalan. Sa tingin pa lang ng dalawa sa isa't isa at sa kilos ay masasabi na talagang in-love ang mga ito. Na isip tuloy niya kung darating pa kaya ang araw na maranasan niya ang bagay na 'yon. Sa edad niya ngayon ay mukhang imposible lalo pa at kadalasan sa mga lalaki ngayon ay matataas na ang standard pagdating sa pagpili ng partner. She's going to be twenty nine at kahit sabihin ng iba na bata pa or hindi pa naman ganoon matanda pero pakiramdam niya ay napag-iiwanan na siya. Kapag nakikita niya ang mga kaibigan niya roon niya lalong nararamdaman ang lungkot at pag-iisa. Well kung sakali naman na ganoon ang mangyayari ay pwede naman niyang subukan ang laging sinasabi ng kapatid niya na "no string attached". "Anong ginagawa niya rito?" galit na tanong ni Maricon. Nagulat silang lahat sa sinabi nito at dahil katapat niya ito kaya hindi niya agad makikita kung sino ang tinutukoy nito. Nakita rin niyang biglang nagbago ang reaksyon ng mg kasama niya kaya lalo siyang na curious kung sino ang tinutukoy nito. Bago pa siya lumingon para makita kung sino iyon ay pinigilan siya ng kapatid niya na lumingon kaya lalo siya nagtaka. "Samahan mo naman ako sa washroom," nagmamadali na higit sa kanya ni Mila at tinulak naman siya ni Gem patayo. Naguguluhan at nagtaka siya sa ikinilos ng dalawa pero hindi na siya nakapagtanong dahil higit na siya ni Mila palayo. Nagtataka man pero sinamahan na rin niya ito. Bago sila makarating sa washroom ay naka ilang beses na nag palinga-linga si Mila sa paligid. Naweweirdohan na talaga siya sa ikinikilos ng mga kaibigan niya pero wala naman makapagsabi sa kanya kung ano ang nangyayari. "May problema ba Mila? Sino ba 'yong tinutukoy ni Maricon kanina?" nagtataka na tanong niya rito. "Ah… si.. si April 'yon. Tama si April iyon, alam mo naman na ayaw na ayaw makita ni Macon 'yon at saka hindi ba medyo hindi maganda ang naging last encounter ninyo kaya gusto lang namin na iiwas ka sa babaeng 'yon," sagot nito at nakakunot noo niya na nakatingin dito. "Hindi ka ba magre-retouch?" tanong nito sa kanya at umiling lang siya. Ang April na tinutukoy ng kaibigan niya ay ang Ex-girlfriend ni Roy, galit na galit ito sa kanya noon dahil siya ang pinili ng binata. Pinagbintangan siya nito na inagaw niya si Roy mula rito na hindi naman totoo. The last time na nagkita sila ay pinahiya siya nito sa isang kliyente nila na nagkaroon ng impact sa company nila. Pinuntahan naman ito ni Maricon at Mila para ito naman ang mapahiya sa opisina nito. Mula noon ay iniwasan na niya ito dahil kahit anong paliwanag ang sabihin niya rito ay hindi ito pinakinggan. Noon ay hindi niya naiintindihan ang galit nito pero nang lokohin siya ni Roy kahit paano ay naiintindihan niya ang pinanggagalingan nito. Ang gusto lang niya linawin dito ay wala siya inagaw mula rito. Ilang taon ng hiwalay ang mga ito bago pa nanligaw sa kanya si Roy. "Ganoon ba? Buti naman at hindi kami nagkita dahil sigurado na walang magandang salita ang lalabas sa bibig ng babaeng 'yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naka-move on kahit alam na niya ang nangyari sa amin. Tama ang ginawa ninyo, dahil hindi na dapat mag-cross ang landas namin na dalawa lalo na ngayon. Okay lang ako hintayin na lang kita rito sa labas," sabi niya. Nakita niyang nag-aalangan pa itong iwan siya pero pumasok na rin ito sa loob ng senyasan niya. Habang hinihintay niya ito ay kinuha niya ang phone sa pouch bag at nagulat siya nang makita ang maraming missed calls mula sa kapatid at mga kaibigan niya. "Tumawag si Han, uuwi na raw tayo," natataranta na sabi ni Mila paglabas nito sa washroom. "Ha? Pero hindi ba ang aga pa para umuwi? At saka kayo pa ang may sabi na kanina na susulitin natin ang gabing ito, " nagtataka na tanong niya saka tumingin sa relo. "Ah… Eh… Ah… Basta uuwi na tayo," nauutal nitong sagot at lalo siyang naguluhan. "That's it! Magsabi ka nga ng totoo, ano bang mayroon? Kanina pa ako nakakaramdam na may hindi tama. Kung si April lang ang kinatatakutan ninyo, well I think I can handle her." Sabi niya rito at nilagay niya ang dalawa kamay sa bewang. Magsasalita sana ito pero nakita niyang na tigilan ito at sa tingin pa nga niya ay namumutla pa ito. Nilakihan pa niya ito ng mata senyales na nag-iintay siya ng sagot mula rito. Pero bago pa siya makapagsalita ulit ay may nagsalita mula sa likuran niya. "Long time no see, Mila. Kumusta?" galing sa familiar na boses. Hindi siya pwedeng magkamali sa narinig niya at hindi rin siya nagkakamali kung kanino galing ang boses na 'yon. Oo nga't matagal na niyang hindi ito nakakausap pero hindi niya makakalimutan ang boses nito. Pero imposible dahil ang alam niya ay nasa abroad ang lalaki na posibleng may-ari ng boses na 'yon. Para makumpirma kung tama nga ba ang hinala niya ay huminga muna siya ng malalim bago humarap. "Ellie! Is that really you?" gulat na tanong nito at mataman siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Noon nasabi niya sa sarili niya na nakamove on na siya pero sa mga oras na 'yon ay mukhang nagkamali siya. Nakaramdam siya ng galit, hinanakit at sakit mula sa nakaraan. After more than a year ay nasa harap niya ang taong hinahangad niyang makasama habang buhay. Ang taong inaakala niyang soulmate niya pero hindi pala. Ang taong nangako na hindi siya iiwan at gagawin ang lahat para sa kanya. Mula nang makipaghiwalay ito sa kanya ay ngayon lang ulit sila nagkita at sa palagay niya ay malaki na ang pinagbago nito. Nag-mature na ito na mas lalong nakadagdag pa sa dating nito. "You look different, Ellie. What I mean is you look gorgeous," hindi makapaniwala na sabi nito at tinignan ulit siya mula ulo hanggang paa. Magtataka talaga ito dahil ibang-iba na siya ngayon. Ang mahaba at tuwid niyang buhok na gustong-gusto nito noon ay agad niyang pinaputol pagkatapos nilang maghiwalay. Ang style niya ng pananamit ay nagbago na rin kumpara noon na base sa mga kaibigan niya ay "manang look". Kaya naman siya nagsusuot ng mga simpleng damit noon ay dahil na rin kay Roy dahil sinasabi nito. Lagi nito sinasabi sa kanya na gusto nito na simple lang siya. Now, she was wearing a Red V Neck Slightly ruched lace mini dress that fit her every curve. Napaka-revealing kumpara sa mga sinusuot niya noon. Kung noon ay wala siyang kolorete sa mukha ngayon ay kahit paano natuto na siyang mag-ayos. Nagkaroon siya ng kakaibang confidence sa sarili niya. Ang lahat nang 'yon ay sa tulong ng mga mahal niya sa buhay, ang mga kaibigan at lalo na sa kapatid niya. "Gulat na gulat siya na makita na ibang Elizabeth na ang nasa harap niya," sabi niya sa sarili. Pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya dahil sa uri ng tingin nito sa kanya kaya hindi siya makapagsalita ng mga oras na 'yon. Inipon niya ang natitirang lakas niya para ipakita rito na walang effect ang presensya nito sa kanya. "Sorry, but it's not nice to see you, Roy. Let's go Ellie at baka makasakit lang ako ng tao," bakas ang galit na sabi ni Mila at hinigit na siya papalayo. Pagdating sa table nila ay ikinuwento agad ni Mila ang lahat sa mga kasama nila. Habang nagsasalita si Mila siya naman ay natigilan dahil hindi niya inaasahan na magkikita ulit sila ni Roy. Pinakiramdaman niya ang sarili at ang tanging nangibabaw sa kanya ay inis at galit. Kahit paano naman ay natuwa siya sa nakita niyang reaksyon nito nang makita na ibang Elizabeth na ang nasa harap nito. Kitang-kita niya na nagulat ito at hindi makapaniwala sa pagbabago sa kanya. Walang iniwan si Mila na detalye at doon nagpasya ang lahat na dapat ay umalis na sila. "Hindi tayo aalis ng dahil lang sa kanya. Hindi ko sisirain ang gabi ko at gabi ninyo dahil lang nakita ko siya. Hindi ko siya hahayaan isipin na dahil nandito siya ay iiwas ako. At saka guys naka move on na ako kaya please stop protecting me. Hindi na niya ako masasaktan ngayon kaya there is no need to avoid him. Gusto ko rin na makita niya na hindi ako bothered sa presensya niya. This is the perfect time para makita niya ang bagong Ellie," matapang na sabi niya at biglang nagpalakpakan ang mga ito. "And the best actress goes to," natatawa na sabi ng kapatid niya saka inabot sa kanya ang baso na kunwari ay award na buong galak na tinanggap naman niya. Natawa siya sa ginawa nito at nagtawanan ang lahat na may kasabay na palakpakan. She happily wave her right hand like the beauty queen does. Hindi siya papayag na maapektuhan ulit siya ni Roy at gusto niyang patunayan na okay na siya. "Tama ka Ellie ipamukha mo sa kanya kung ano ang nawala sa kanya," sang-ayon ni Mila at ngumiti siya. "We are so proud of you Ellie," nakangiti na sabi ni Hannah. "If he is here and it means Erick is also here," sabi ni Bernard at napatingin siya rito. Napaisip siya sa sinabi nito dahil nawala sa isip niya si Ericka. Na focus ang isip niya kay Roy nang makita niya ito. Kumakabog ang dibdib niya dahil magkikita na ulit niya ang taong sobrang pinagkakatiwalaan niya at nanakit sa kanya. Hindi niya alam kung ano ba ang maramdaman at sasabihin niya kapag nakaharap na niya ito. "Much better," nakangiti na sabi niya. "Let's just enjoy this night guys and who knows Ellie nandiyan lang pala sa tabi-tabi si Mr. Right," masayang deklara ni Maricon at tumango siya. "Kaya mo 'yan Ellie, ipakita mong hindi ka na apektado sa kanila." Kumbinsi niya sa sarili habang umiinom ng wine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD