Elizabeth "And another one," sabi ni Gem pagpasok sa office niya na may dalang bulaklak. Today is her birthday, pagpasok niya sa office niya kanina ay nagulat siya kasi punong-puno ng iba't ibang bulaklak. May malaking teddy bear na nakaupo sa upuan niya na talagang umagaw sa pansin niya. Ang ilan sa mga bulaklak ay galing sa mga kilala niya, kaibigan, clients at staffs. Ang malaking bear naman ay galing kay Nickolas na may nakalagay na "Hug me". "Thank you," sabi niya pero nakita niya na biglang nakasimangot si Gem kaya nagtaka siya. "Bakit? May problema ba?" tanong niya at huminga ito ng malalim. "Mukhang naligaw ang isang ito. Mas mabuti pa kung itapon ko na ito at baka mabulok pa ang ibang bulaklak," seryoso na sabi nito saka lumabas ng opisina niya. Bigla niya naisip na baka ka

