Elizabeth "Magpa-deliver na lang tayo ng foods," suggest ni Mila at tumango siya. Katatapos lang ng meeting nila kasama ang mga staff nila. Nagkaroon kasi ng conflict sa dalawang events nila kaya nagpatawag agad sila ng meeting. Hindi kasi na update ang record regarding sa mga schedule kaya hindi napansin na nagbago ang date ng isang event at kahapon lang nila iyon nalaman after mag-follow up ng client. Isa sa mga staff nila ang may kasalanan at nakausap na nila ito kahapon after the incident. Ginawan agad nila ng solution bago pa maging complicated ang lahat at dahil ilang months pa naman iyon kaya kahit paano ay naagapan nila. Hangga't maaari ay inuunahan na agad nila ng solution kapag may ganito na scenario. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari iyon. "Ano ba ang trip

