Nickolas "Have you talked to them?" tanong niya kay Jay habang inaayos niya ang suot na necktie. Kababalik lang niya sa Hotel na tinutuluyan niya rito sa Singapore. Nag-almusal sila ng kasama niya habang tinitingnan ulit nila ang kabuuan ng kontrata. Kagagaling lang nila ng Hong Kong last week at wala pang kasiguraduhan ang naging transaction nila roon. Aware siya sa mga nangyayari sa paligid niya. Ayaw niya maging kampante dahil alam niya na pwedeng magbago ang lahat. "I don't know how you did it, Nick but it works. They are expecting you this lunch time for the discussion of the contract." natatawa na sagot nito. Tiningnan niya ito sa screen at kitang-kita sa ekspresyon ng mukha nito na hindi ito makapaniwala. Napangiti siya dahil successful ang naisip niya na plano at wala ng da

