Elizabeth "Bakit naman kasi biglaan ang alis mo Babe?" tanong niya kay Nickolas habang tinutulungan niya ito mag-ayos ng gamit nito. Kanina habang kumakain sila ng almusal ay may natanggap ito na tawag. Pagkatapos noon ay nagkulong ito ng ilang oras sa opisina at ng lumabas ito ay sinabi sa kanya na kailangan nito pumunta ng Hong Kong. Nagulat siya ng sabihin nito na aalis na rin ito ng hapon at mahigit isang linggo ito roon. Never siya nagtanong tungkol sa mga lakad nito dahil ito na mismo ang nagsasabi sa kanya. Gusto sana niya magtanong dito kasi napansin niya na may kakaiba rito pero mas pinili na lang niya na tumahimik. "I'll explain everything when I get back Babe," sagot nito at niyakap siya nito mula sa likuran. "Don't worry about me Babe and I'm sorry. I just need to get t

