Elizabeth "Babe, are you sure you don't need my help?" pang ilang beses na tanong nito sa kanya mula pa kaninang umaga. Mamaya gabi na ang dinner nila kasama ang Tita nito at kahit sobrang kinakabahan siya ay hindi niya iyon pinapakita rito. Pasta and chicken dish lover ang Tita nito, kahit anong dishes na may chicken ay pasado na rito. Napagkasunduan nila kagabi na Lasagna at Chicken Cordon Bleu na lang ang lutuin niya. Magluluto rin siya ng Buffalo Wings kasi nabanggit sa kanya ni Nickolas na mahilig ito sa spicy food. "Babe, I'm okay. Ilang beses mo na ako tinanong at ilang beses ko na rin sinabi sa iyo na okay lang ako. Stop worrying about me," natatawa na sagot niya habang sinusulat ang lahat ng kailangan niya. "Can I at least help you shop?" tanong nito at natawa siya. "Kay

