Elizabeth Mahigit isang buwan na ang lumipas mula ng lumipat siya sa unit ni Nickolas. Tinulungan siya ni Gem at Michael sa paglipat niya ng mga gamit. Hindi naman lahat ng gamit niya ay dinala niya dahil iyong iba naman ay iniwan niya sa bodega nila. Nagpaalam sa kanya si Gem na roon na tutuloy si Michael sa bahay nila pati na rin ang dalawa nitong bestfriend. Pumayag siya dahil naisip niya na kailangan din nito ng kasama sa bahay. Hindi naman siya nahihirapan na mag-adjust kasi sanay na siya na makasama ito. Sa paggising niya sa umaga ay hindi niya mapigilan ang ngumiti dahil ito agad ang nakikita niya. Sa gabi naman may mga pagkakataon na late na ito umuwi dahil sa work nito. Ibang experience ang nararamdaman niya dahil kasama niya ang binata sa isang bahay lang. "Babe, can you get t

