Elizabeth "Come in," sabi niya ng may narinig na kumatok sa pinto niya. Hindi na siya nag-abala na tingnan kung sino ang kumatok dahil abala siya sa ginagawa niya. Marami siyang kailangang tapusin na transaction ngayon. May mga tao rin siyang kailangang kausapin kaya kailangan ay matapos niya ang ginagawa ngayon. "Hindi mo man lang ginalaw ang lunch mo? Alam mo naman na bawal sa 'yo ang magpalipas ng pagkain, hindi ba? Ano ba ang balak mong gawin sa sarili mo, Elizabeth Sandoval? Plano mo ba na magbakasyon ulit sa hospital?" sermon ng kapatid niya at napailing lang siya habang nasa laptop ang attention niya. "Kung balak mo lang na sermonan ako ay makakaalis ka na dahil marami pa akong gagawin," taboy niya rito na hindi inaalis ang tingin sa screen. Napatingin siya rito ng padabog nito

